800 kapulisan ikakalat sa Holy Week

Metro BLISTT

BAGUIO CITY – Mahigit 800 na kapulisan ang sinimulang ikalat sa mga pangunahing tourist destination para siguraduhin ang seguridad ng mga residente, lalong-lalo na ang mga bakasyunista na magtutungo sa Summer Capital sa paggunita ng Holy Week.

Ayon kay Baguio City Police Office city director Allen Rae Co, malaking tulong ang ipinadala ng Police Regional Office-Cordillera na may 100 na Tinyente at 200 na Patrolman na kasalukuyang nasa training para sa karagdagang puwersa na magbabantay ng lungsod.

“This is a part of our preparation in SumVac and mostly sa ating mga tauhan dito sa BCPO na may 500 personnel ay ipapakalat din natin sa lansangan. Every year naman ay ginagawa natin itong security plan at ini-improve na lang natin,” pahayag ni Co.

Aniya, malaking tulong din ang mga naka-station na iba’t ibang communication group na nagsisilbing motorist assistance tuwing summer season.

Pansamatalang sinuspinde ang number coding scheme sa lungsod mula sa araw ng Huwebes at Biyernes.

Aniya,expected na ang pagdagsa ng bisita sa lungsod tuwing ganitong panahon at umaasa sila na mananatiling ipapatupad ang peace and order at mga traffic rule.

Nanawagan din si Co sa mga motorista na mahigpit na ipatutupad ang mga batas trapiko sa lungsod.

“Sa mga galing lowland na aakyat dito sa Baguio, sana naman maging mahinahon sa traffic rules at huwag pairalin ang pagiging arogante sa lansangan.”

 

Zaldy Comanda/ABN