AMIANAN POLICE PATROL

62 wanted person nalambat sa manhuntoperation sa Cordillera

CAMP DANGWA,Benguet

Arestado ang animnapu’t dalawang indibidwal, kabilang ang limang Top Most Wanted Personalities, sa magkahiwalay na manhunt operations na isinagawa ng Police Regional Office-Cordillera noong Pebrero 19-25. Sa talaan ng Regional Investigation and Detective Management Division (RIDMD), Benguet Police Provincial Office ay nakapagtala ng pinakamataas na bilang ng mga naaresto na may 29 na wanted na naaresto na sinundan ng Baguio City Police Office na may 15 na arestuhin; Abra PPO na may anim na arestado; Kalinga PPO na may apat na naaresto; tig-3 arestuhin para sa Mountain Province PPO at Ifugao PPO; at dalawang pag-aresto para sa Apayao PPO.

Sa mga naarestong indibidwal na ito, lima ang nakalista bilang Top Most Wanted Persons sa Provincial Level. Ayon kay BGen.Mafelino Bazar,regional director, mula sa pinaigting na police visibility at kampanya laban sa kriminalidad, 63 munisipalidad sa iba’t ibang lalawigan ng rehiyon at dalawang istasyon ng pulisya sa Baguio City ang nananatiling mapayapa dahil naitala ng PROCOR ang zero crime incident sa parehong linggo.

Zero crime incidents ang naitala sa 23 munisipalidad ng Abra; limang munisipalidad sa Apayao; walong munisipalidad sa Benguet; anim na munisipalidad sa Kalinga; 10 munisipalidad sa Mountain Province; at 11 munisipalidad sa Ifugao. Dagdag pa, naitala rin ng Aurora Hill Police Station 6 at Kennon Road Police Station 8 ang zero crime incident sa 10 police stations sa Baguio City.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon