AMIANAN POLICE PATROL

19 wanted person arestado sa Cordillera

CAMP DANGWA, Benguet

Labingsiyam na wanted person kabilang ang apat na indibidwal na nakalista bilang Most Wanted Persons (MWP), ang nadakip, habang 60 munisipalidad sa rehiyon ang nagtala ng zero crime incident mula Enero 21 hanggang 27.
Batay sa tala ng Regional Investigation and Detective Management Division (RIDMD), ang Napino cops ng Baguio City Police Office ang nagtala ng pinakamataas na bilang ng mga naaresto kung saan sampung wanted person ang naaresto, sumunod ang Benguet Police Provincial Office na may apat na naaresto, sina Abra PPO at Ifugao PPO na may tig-dalawang pag-aresto, at Kalinga PPO na may isang pag-aresto.

Sa apat na indibidwal na nakalista bilang MWP, dalawa ang most wanted personalities bawat isa sa Provincial at City
Level. Dahil sa pinaigting na presensya ng pulisya, 60 munisipalidad sa iba’t ibang lalawigan ng rehiyon at dalawang
istasyon ng pulisya sa Baguio City ay nananatiling mapayapa, dahil ang PRO Cordillera ay nagtala ng zero na insidente ng krimen sa mga lugar na ito sa parehong linggo. Zero crime incidents ang naitala sa 25 sa 27 munisipalidad sa Abra, siyam sa 13 munisipalidad sa Benguet, lima sa pitong munisipalidad sa Kalinga, siyam sa 11 munisipalidad sa Ifugao, walo sa sampung munisipalidad sa Mountain Province, at apat sa pitong munisipalidad sa Apayao. Sa Baguio City, wala ring naitala ang Naguilian Police Station (PS1) at Loakan Police Station (PS4) sa 10 police stations sa lungsod.

Zaldy Comanda/ABN


 

P25.7-M iligal na droga ang nasabat sa Cordillera

LA TRINIDAD, Benguet

Nasamsam ng mga pulis ng Cordillera ang kabuuang P25,701,800.00 halaga ng iligal na droga at naaresto ang dalawang drug personalities sa isang linggong operasyon mula Enero 22 hanggang 28. May kabuuang 127,605 piraso ng fully grown marijuana plants, 1,000 marijuana stalks at 1,350 marijuana seedlings na may kabuuang SDP na P25,695,000 ang nadiskubre sa magkahiwalay na marijuana eradication operations na isinagawa sa lalawigan ng Benguet at Kalinga. Ang lahat ng ito ay sinunog ng mga operatiba pagkatapos ng dokumentasyon, at ang mga follow-up na operasyon ay isinasagawa upang matukoy ang mga posibleng nagtatanim ng marijuana.

Gayundin, ang mga pulis ay patuloy na nagsasagawa ng barangay visitation at information operations hinggil sa anti-illegal drugs campaign ng PNP. Arestado ang dalawang drug personalities matapos mahulihan ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 1 gramo, na may kabuuang Standard Drug Price na P6,800. Dinala ang mga naarestong suspek sa kanikanilang arresting units, kasama ang mga nakumpiskang ebidensya, habang ang mga kasong
paglabag sa R.A. 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, ang inihahanda laban sa kanila.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon