Ang mabuti at masamang epekto ng Batang Pinoy sa mata ng mga magulang

“Sports” ito ang ay laro na pwedeng pang-grupo at indibidwal na pinaglalabanan sa pagitan ng mga manlalaro na kadalasan ay umaani ng tagumpay sa porma ng ‘cash incentives’ of mga ‘gold, silver at bronze medals’.
Masuwerte ang Baguio City dahil ito ang napili ng Philippine Sports Commission na venue na ginanap sa buong linggo mula September 17 hanggang September 21 at siyempre maraming pakinabang ang mga negosyante dito dahil ang mga bata at ang kanilang mga magulang at guro at iba pang “julalay” ay magtutungo sa mga kainan at sa shopping stores at malls sa lungsod.
Ibig sabihin, ang Batang Pinoy National Championship sa lungsod ay magdadala ng karangalan sa mga manlalaro at sa mga eskwelahan nito kapag nasungkit ang mga ginto at iba pang medalya.
Nagkakaroon din ng samahan at pagkakakilanlan sa bawat manlalaro at maaaring umakyat ang mga ito sa iba pang laro na ginaganap sa bansa at sa ibang bansa.
Ngunit ito naman ang angal ng ilang mga magulang na nagmungkahi  na sana raw ay huwag isuspende ang pasok o ang pag-aaral ng ibang bata na hindi naman kasama sa laro ng Batang Pinoy dahil anila ang kanilang anak ay naglalakwatsa lang at hindi na mag-aaral sa loob ng isang linggo. Dagdag pa nila dapat baguhin ang panuntunang ito ng PSC, dapat ang mga manlalaro lang ang suspended ang pasok at hindi ang ibang estudyante na hindi kasali sa nasabing laro.
Ang nagiging resulta tuloy anila ay naglalakwatsa lang ang mga ito lalo na ang mga nasa secondary o high school.  Ang iba naman ay tinatambakan ng homework ng kanilang mga guro na dapat anila ay sa eskwelahan tinatalakay ang mga aralin na ito.
Sayang ang tuition fee anila kung ganito ang gagawin ng PSC o ng DepEd. Idagdag pa diyan ay ang mga bagyo na dumarating sa bansa na kung saan nagiging kulang ang araw ng pasok ng mga bata, ang siste tuloy nagdodobol time sila sa kanilang mga lesson at ito ay magbubunga ng ‘stress study’ sa mga bata.
Panawagan ng mga magulang na ito ay sa susunod na Batang Pinoy dapat hindi maapektuhan ang ibang estudyante na hindi naman kasali sa nasabing laro.
*************
Ang pamunuan at ang mga staff  ng AMIANAN BALITA NGAYON ay taos-pusong nakikiramay sa mga naulila sa iniwang trahedya ng bagyong Ompong sa pamilya ng mga nasa Barangay Ucab, Itogon, Benguet at sa mga naging biktima sa lungsod ng Baguio.

Amianan Balita Ngayon