Anti-bullying ordinance, aprubado na ng konseho

Aprubado na ng Sangguniang Panglungsod ang Anti-Bullying ordinance para maipatupad ito, kasabay ng pagbubukas ng klase sa lungsod.
Ang isa sa nakakasira sa pag-aaral ay ang bullying na laging nagaganap sa isang estudyante saanmang paaralan. “Mahirap ang ma-bully lalo na’t mahina ang loob ng isang estudyante, na magiging dahilan ng kawalan ng interes sa pag-aaral,” pahayag ng estudyante sa Baguio National High School.
Sa pagbubukas ng klase noong Hunyo 5, kasabay na inaprubahan sa konseho ang Anti-Bullying ordinance na ipinasa ni Vice Mayor Edison Bilog. Aniya, napakahalaga ng ordinansa na pangunahing problema lalo na sa paaralan, hindi lamang sa lungsod kundi maging sa buong mundo, na humahantong sa pagpapakamatay ng isang estudyante.
Ang Anti-Bullying ordinance ay sinasaklaw ang cyber-bullying, emotional bullying, physical bullying, psychological bullying at sexual bullying.
Sa mapapatunayang lumabag sa ordinansa ay kaabikat na penalties sa isang estudyante na isa hanggang 6 buwan na pagkabilanggo at pag-multa ng halagang P5,000.
Suportado naman ni Undersecretary on legal affairs ng Department of Education Alberto Muyot ang pagpasa ng nasabing ordinansa sa lungsod.
Aniya, noong nakaraang taon ay umaabot sa 29,000 bullying ang naitala ng DepEd sa buong bansa at mas mataas umano ang level ng bullying kumpara sa violence o abuse na nagawa ng isang estudyante.
Ayon pa kay Bilog, mahalaga na maibahagi ng mga guro ang ordinasang ito sa kanilang mag-aaral, upang mapalawig ang kaalaman ng bawat estudyante sa kaakibat na parusa sa mapapatunayang nambu-bully sa kapwa mag-aaral. ZALDY COMANDA / ABN

Amianan Balita Ngayon