APAYAO, 14 MUNISIPALIDAD, GINAWARAN BILANG ‘MOST PEACEFUL PLACE’ SA CORDILLERA

CAMP DANGWA, Benguet

Ang lalawigan ng Apayao at 14 na munisipalidad ang pinarangalan bilang “Most Peacefiul Place” sa rehiyon ng Cordillera, sa ginanap na Police Regional Office-Cordillera Command Conference sa Camp Bado Dangwa,La Trinidad, Benguet noong Enero 18. Sinabi ni Brig .Gen. Mafelino Bazar, regional director,na nanguna sa kumperensya, batay sa mga parameter na itinakda ng PROCOR, ang lalawigan ng Apayao bilang “Most Peaceful Province in the Cordillera Region” na may 32 focused crime incidents lamang ang naitala para sa taong 2022.

Ang Certificate of Recognition ay tinanggap ni Col. Jefferson Cariaga, provincial director ng Apayao
Police Provincial Office (PPO). Ang mga munisipalidad ng Tubo, Bucloc at Daguioman sa lalawigan ng Abra ay kinilala sa pagtatala ng tig-iisang insidente ng krimen sa nakalipas na limang taon (2018- 2022). Binigyan din ng Special Recognition ang bayan ng Boliney, Bucloc, Daguioman,
Luba, San Quintin, Tubo at Tineg sa probinsya ng Abra; Barlig, Besao, at Natonin sa Mt. Province at Kabayan sa lalawigan ng Benguet para sa pagrehistro ng zero focus crime incidents para sa taong 2022. Personal na ipinamahagi ni Bazar ang Certificates of Recognition at Cash incentives sa simpleng seremonya na ginanap sa PROCOR Log Cabin.

Zaldy Comanda/ABN

 

Amianan Balita Ngayon