Author: Amianan Balita Ngayon

Maraming Tanong!… Paano ang Sagot!

Sala-salabat na mga tanong…at sala-salabat din ang mga sagot. Pero teka lang…nauunawan ba ng bayan ang mga tanong at sagot na yan? Tsk tsk…malamang kaysa hindi, iilan lang ang nakakatalos ng tama. Ibig sabyan, este sabihin…parang mas nakakarami ang di talos ang katuturan ng tanong at lalo nang hilo sa sagot. Sige, subukan nga nating […]

COVID puno parin ng Kontrobersiya

Buwan na ang lumipas ngunit parang humihirit pa rin ang Covid-19 sa ating bansa. Kahit mas marami ang nabiktima nito sa ating mga kapitbahay na bansa…maituturing pa ring banta ito sa atin. Ang bilang ng mga nagpositibo na ating kababayan ay isang patunay na malas na badya ito na maaring lumala pa. Kaya ang malaking […]

Dahil sa COVID… Pati Utak Natutusta!

Grabe na talaga itong Covid-19 na ito. Kung anu-ano na ang nangyayari sa daigdig. Dahil sa takot sa virus na nagresulta ng gutom…marami na raw ang nabuburyong. Ang masakit, hindi na lang sa patalim kumakapit. Pati na sa bulsa ng may bulsa. Kita naman natin sa usapang relief palang…tumitindi na ang gawaing demonyo. Marami ang […]

COVID… Marami ang NaLockdown!

Mariasantisima! Yan ang kadalasang ingay at bangungot ng mga di na makatiis sa pagsulpot ng sinasabing “new normal”….o sa mas mababaw na termino – “bagong umaga”. Ito ang ibinunga ng sala-salabat at halos dikit-dikit na mga lugal na na-lock down. Bakit? Kasi nga..ayon sa mga eksperto sa isyung lock down….lantaran itong pagsasara upang walang makalabas […]

Ayuda sa COVID… Maraming Naguguluhan!

Tapos na noong Abril 30 ang napahabang implementasyon ng ECQ dahil sa Covid-19. Tapos na ba? Marami ang naguguluhan kung ano na nga ba ang susunod na tuntunin. Bakit? Aba’y sabi ng ilan, sing-gulo daw ng chopsuey o ginusot na pansit ang bagong eksena na dapat sundin. Bakit? Kasi tuloy daw ang pag-iral ng ECQ […]

Mag Eksena ni COVID-19, Grabe!

Habang sinusulat ang pahinang ito…di pa ibinababa ni Pangulong Duterte ang kanyang pinal na desisyon sa Enhance Community Quarantine…pero grabe na ang mga eksena ng Covid-19. Salasalabat na ang mga samotsamot na kaisipan at mga maaring mangyari sa mga araw na darating. Ang iba, pinangungunahan na ang desisyon ni Pres.Duterte. Ating himayin at halukaying maigi […]

COVID… Perwisyo sa Mundo!

Anak ng kamalasan….ano ba ireng nangyari sa mundo, pards. Kung baka sa Italya, ito ang sinasabing Buenas-Malas, sa Pransiya…bhuwiseyt! Sa Germany…”malasen”, Sa Japan, “karaoke, eheste Perwisyosan!” At sa China kung saan galing yang lin…tk na Covid…”Kosing paosiyo”….singkong siopao na lang ang kayang bilhen ng mga naghihirap nating kababayan dahil sa gutom, kung meron mang singkong […]

Mahal na Araw… Mahal Lahat!

Semana Santa…Holy Week…Mahal na Araw. Iisa ang katuturan…ngilin, di ba? Pero sa panahong ito ni Covid-19, kaibang ngilin ang ating makakasalamuha. Bakit? Sabayan nyo kami sa ating pang-Semana Santang edisyon ng Daplis. Pero una sa lahat, bago tayo magwala, este, dumaplis…bato-bato sa langit hane: ****** Sa aking memorya, noong nakaraang Linggo ng Palaspas ang kauna-unahang […]

COVID VS. GALIT…Sino ang Knock-out?

Anak ng bakang bakla na pinsan nina santisima at susmaryusep….nagaganap na ang ating pinangangambahang mangyari dahil kay Covid-19. Salasalabat na kabuisitan at kabalbalan ang sumabay sa ating mabigat na problema. Aba’y mantakin mong pasukan na ito ng “rally” o ala-”riot” na asta? Bakit? Dahil daw sa gutom na sila. At bakit? Sino ba ang hindi […]

COVID Pandemic ba or Pan-Demonyo?

Anak ng demonyong Covid…sandamukal na ang mga samutsaring tsikahan ng mga maiigsi at mahahaba ang dila, pero, lalo pa yatang sumisikat si Covid19. Sa halip na matunaw ito sa kababanat, para yatang lalong nagliliyab. Aba’y mantakin mong sandamukal na ang mga biktima nito sa ibabaw mundo. Luma na ang pinagmulang Wuhan, China dahil tinalo na […]

Amianan Balita Ngayon