Author: Amianan Balita Ngayon

Ompong, maraming iniwang eksena!

Habang sinusulat ang espasyong ito, nakakalungkot ang eksenang iniwan ni Ompong dahil marami pang hinuhukay na mga natabunan sa mga slides, may 74 na ang naitalang namatay,  marami pa ang nawawala liban sa mga nasugatan, nawalan ng bahay at ari-arian at nasira ang kanilang mga pananim. Resulta: mapait ang hinagpis na namumuo sa buhay ng mga […]

Bagyong Trillanes sinabayan ng bagyong Ompong

Aank ng pating na minalarya, ano ba ireng nangyayari sa ating bansa?  Sala-salabat na ang mga bagyong balita. May bagyong upakan sa Kamara, sa Senado, sa Hudikatura, sa Ehekutibo at iba’t ibang sangay ng gobyerno. Haay naku, ang liit ng ating bansa ngunit ga-higante ang mga umuupak na problema. Kung sa bagyo, aba’y super cyclone […]

Trillanes, handa na ang selda?

Habang sinusulat ang espasyong ito, masalimuot pa rin ang isyu hinggil kay Sen. Antonio Trillanes 1V. Ang sentro ay kung maaresto ba siya at maikukulong o mananatili siya sa saya ng Senado? Kailan ilalabas ang HDO – Hold Departure Order at Warrant of Arrest nito mula sa korte? May utos na ang pangulong Duterte (kahit […]

Duterte… minura, binastos ng mga kabataan!

Anak ng pating na baog naman pati ba naman mismong pangulo ng bansa natin, kaya nang murahin ng mga kabataan? Maryunes! Siyento porsiyentong pambabastos na ito at kawalan ng galang o respeto. Kapag minura mo ang pangulo ng isang bansa parang buong bansa na ang tama, di ba? Viral video ngayon sa internet ang ginawa […]

Sampal ni Digong kay Joma… say niyo?

Mga pards kapit kayo at lalong dumami ang mga kontrobersiyang hahatak sa atin sa kasalukuyan. Parang habagat na hinahatak ng bagyo, hane? Ano bang bago? Sampalan blues at ang bida rito ay si Pangulong Duterte. Ang kontrabida ay si Joma Sison ng CPP. Sus ginoo! Ano bang kinalaman ng sampalan sa tensiyon nila? Sige, sumunod ka […]

Pulis may nagisa, meron ding pinarangalan

Kamakailan nagluto si Pres. Duterte na siya mismo ang Chef. Ang putahe ay ginisang sinahugan ng kilo-kilong mura at halos di makaing rekado gaya ng Put…at iba pang maanghang na spices. Sabi nga nila kahit pa unggoy na isang buwan na ginutom ay hindi kayang lunukin ang niluto nii Pres. Digong. Siyento porsiyentong isusuka ang menu. […]

Pulis salot, sinabon at binilad ni Digong!

Halos nagkulay-talong sa galit si Pangulong Duterte nang kanyang sabonin, kinusot saka binilad sa araw ang mahigit sa isandaang mga pulis na tinawag niyang mga “salot”. Yan ang mga tinatawag na scalawag men ng PNP base sa mga nagawa nilang kabalbalan sa lipunan. Sila na “pinagpala” diumano dahil sa pagmamalasakit sa kanila ni Pangulong Digong. […]

K’ki dance challenge, bawal!

Por bida gid mga kabayan, kung ano-ano na ang kumukuliling sa utak ng ilan nating kababayan. Sukat ba namang may bagong usong patok (kuno) ngayon – KIKI dance challenge o ang “In My Feelings Challenge”! Grabeng ngitngit at halos lumaylay ang dila ng mga moralista sa estilo ng patok na Kiki Dance Challenge na yan. Sabi […]

SONA ni Digong, bitin daw?

Natapos din ang kontrobersiyang SONA ni Pres. Duterte. Pero talagang super-kontrobersiya, sabi ng maraming analysts. Paano kasi itinaon pang nagkagulo ang mga taga-Kamara dahil sa kanilang liderato o speaker.  Kaya napatungan ang nilaman daw ng SONA. Tuloy, sabi ng ilan: bitin. Yan ang ating kakaliskisan mga pards.

Suspension ng klase, marami ang nalilito

Tag-ulan at tag-bagyo na naman pero hanggang ngayon marami pa rin ang nalilito hinggil sa class suspension. Sino nga ba ang may karapatang magsuspinde? Mga mayor ba o ang DepEd? Kailan at papaano? Maraming sigalot ang ibinubunga ng kalituhan na kung minsan may nag-aaway na. Kaya dapat lang na ating uriratin ang napapanahong kontrobersiyang ito.

Amianan Balita Ngayon