Author: Amianan Balita Ngayon
“BUHAYIN ANG INDUSTRIYA NG PAGKAKAWAYAN”
December 14, 2024
Ninanais palakasin ng Ilocos Norte ang industriya ng pagkakawayan bilang pagtaguyod sa sustenableng agrikultura sa probinsya. Nagtipon kamakailan ang mga stakeholders ng industriya, kabilang ang Micro, Small, and Medium Enterprise (MSME) Office at ng Ilocos Norte Provincial Agriculture Office (PAO), Department of Science and Technology (DOST), Philippine Textile Institute, Mariano Marcos State University (MMSU), CSFirst […]
“KARMA SA KAWATANG PULITIKO NG BENGUET”
December 9, 2024
Ibinasura ng Second Division ng Commission on Elections ang kandidatura ni Adam Yap na pinaghain ng kandidatura bilang kinatawan ng Benguet sa Mababang Kapulungan. Kinakitaan daw ng kawalang kaseryosohan si Adam Yap at nabuyo lamang ito ng kampo ng katunggali ni re-electionist Congressman Eric Go Yap upang linlangin ang mga botante. Napagtanto ng Comelec Second […]
“KONTROBERSYA NG MINAHAN SA ABRA, SURIIN NA AGAD”
November 30, 2024
Walang halong pag-iimbot ang paninindigan ng National Commission on Indigenous Peoples-Cordillera Administrative Region (NCIP-CAR) na kinakailangan aprubahan ng mga katutubong Tingguian sa Abra sa pamamagitan ng prosesong Free-and-prior-informed-consent (FPIC) bago ang exploration sa kanilang lupang ninuno. Kailan man ay hindi nakabuyangyang ang mga lupang ninuno sa mining operations, kaya’t kamalian ang pagsasantabi sa karapatan ng […]
“ABANGAN ANG OFFSHORE WIND FARM SA ILOCOS NORTE”
November 23, 2024
Kaabang-abang ang planong pagtatayo ng kauna-unahang offshore wind farm sa Pilipinas– ang North Luzon Offshore Wind Power Project (NLOWPP) — ng pribadong PetroGreen Energy Corporation (PGEC) kasosyo ang banyagang Copenhagen Energy (CE) sa Burgos, Bangui, at Pagudpud, Ilocos Norte. Isang daang lumulutang lutang na offshore wind turbine generators na makakakapagluwal ng 15-18 megawatts bawat-isa ang […]
“ISALBA SA PAMBUBUSABOS ANG CORDILLERA MOUNTAIN RANGE”
November 17, 2024
Ibinuking mismo ng pamunuang bayan ng Sallapadan, Abra ang mineral exploration activities ng Yamang Mineral Corporation (YMC), subsidiary ng dayuhang kumpanyang FCF Minerals Corp. (FCF) ng London sa lupang ninuno ng mga katutubong Tingguian. Sa laki ng sinasakop ng “Authority to Verify Minerals” (ATVM) na iginawad sa YMC ng Mines and Geosciences Bureau ng DENR […]
BAGONG HEPE, BAGONG OPERATOR NG SUGALAN SA NUEVA VIZCAYA
November 9, 2024
Eksaktong isang buwan nang hepe ng pulisya sa Nueva Vizcaya si Col. Jectopher D. Haloc ngayong Linggo, Nobyembre 3, 2024. Bilang namumuno sa Camp Saturnino Dumlao, nagpakita na siya ng tikas ukol sa mga pasugalang nagaganap sa kanyang kinasasakupan. Hindi tikas o gilas upang masawata ang salot na “pwesto pijo” o semi-permanent na sugalan ng […]
“ISALBA ANG SIERRA MADRE”
November 1, 2024
Sa taas ng 6,283 feet at habang 540 kilometers, nagsisilbing pangunahing proteksyon ng buong Luzon island ang Sierra Madre mountain range kontra sa pananalasa ng pabagsik na pabagsik na mga bagyong nagmumula sa silangang bahagi ng bansa. Hango sa salitang Kastilang Sierra Madre (mother of mountains) o bilang “Ina”, tinatagurian itong “Gulugod ng Luzon” dahil […]
“URDANETA CITY MAYOR SUSPENDIDO NG ISANG TAON”
October 26, 2024
Isang taong suspension ang ipinataw ng Sangguniang Panlalawigan ng Pangasinan bilang parusa kay Urdaneta City Mayor Julio F. Parayno III sa paglabag sa dalawang probisyon ng Republic Act 11032 (Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018) bunsod sa reklamong hindi pamimigay ng business permit sa kabila ng pagsunod ng aplikante […]
“SINO ANG KARAPAT-DAPAT SA PANGASINAN?”
October 19, 2024
Sa ilalim ng pamumuno ni Governor Ramon “Monmon” Guico III, makabuluhan ang mga tagumpay sa larangan ng pagpapahalaga sa pagpapaunlad sa sariling industriya at lokal na kasaysayan. Napasigla muli ang industriya ng asin sa pamamagitan ng Pangasinan Salt Center sa Zaragoza, Bolinao at pagbabaka sa Laoac Dairy Farm at pagkatatag ng Banaan Pangasinan Provincial Museum. […]
“11 KAPITAN NG PUGO, LA UNION NAGPAGAMIT UPANG YURUKAN ANG HALALAN”
October 12, 2024
Maaring bilangguan ang bagsak ng labing-isang Punong Barangay ng bayan ng Pugo, La Union na haharap sa election offenses kung mapapatunayang sila’y nagpagamit sa maliwanag na pagyurak sa diwa ng tunay na halalan. Sa isinampang reklamo sa Commission on Election (Comelec) ng civil society group Save Pugo Movement (SPM), inakusahang nilabag ng mga Kapitan ng […]
Page 3 of 45«12345...»Last »