BAGONG BANTA, BAGONG PANGANIB

NGAYONG umaga ng Byernes, habang sinusulat ito, ay may masamang balita mula sa India. May bagong virus daw, na hindi pa maseguro kung apo ni Covid-19, ang ngayon ay kumitil na nga dalawang tao sa napakalawak na kontinente ng India. Sabagay ay bilyon ang populasyon sa naturang lugar, at maaga pa upang muli tayong balutin ng pangamba. Kung maseguro na ng mga
nakaaalam, ang mga ekspertong siyang gumabay sa buong kamunduhan nang sumalakay nvg walang puknat at buong tindi si Covid noong unang mga buwan ng 2020, ay doon pa tayo makakabalangkas ng kaukulang stratehiya upang muling labanan ang bagong banta ng isang virus.

Ngayon ay India, baka bukas makalawa – dahil na rin sa buong layang pagbubukas ng iba’t ibang
bansa sa daigdig ng turismo at pagbyabyahe – nasa Tsinan a, at hindi maglalaon ay nasa Pinas na.
Sa totoo lang, dapat ay mayroon na tayong mga liksyon na syang ating patnubay upang labanan ang bagong banta at panganib na dulot ng isang kinakatakutang panibagong pandemya. Sa panahon na hindi pa gaanong nalulupig si Covid-19, dobleng dagok ito sa ating mga bansang nakasalalay ang kaligtasan at kaayusan ng bayan sa mapaminsalang salot ng isa pang pandemyang nagbabadya.

Ang akala pa naman natin ay nalalapit na sa hukay si Covid-19. Kung mayroon mang mga bagong kaso ng hawaan, mangilan-ngilan na lamang. Nitong nakaraang dalawa at tatlong buwang singkad,
parating kulang sa isang libong hawaan ang naitatala sa buong Pinas. Naghihingalo na nga si Covid-19. Aandanp-andap, tulad ng kanidlang ang baga ay unti-unting nauupos. Harinawa, hindi
kasing bangis ng sumisinghal na Covid-19 ang bagong virus na kumitil na ng dalawang buhay sa India. Sana naman, sa awa ng ating Maykapal, kung may katibayan na isang bumubuong virus ang
nailunsad sa panahon ng tila ay walang hinto ng bangis ng Climate Change, sana naman ay hindi kasing bangis ang hagupit ng bagong banta at panganib sa sangkatauhan.

Eto nga tayo at tila dedma ng tuluyan kay Covid-19. Araw at oras na raw ang bibilangin hanggang sa huling hantungan ay maibaon ng tuluyan ang pandemyang halos ay tatlong taon ding nanalasa sa buong mundo. Ang dapat lang sigurong dapat manduhan ay ang mga nangngasiwa ng pambansang kalusugan at kaligtasan. Sila ang nakaaalam at mayroon tayong [ag-asa na magamit ang mga pamamaraan ng paglaban at pagsugpo sa bagong virus. BUONG PWERSA na yata
ng pamahalaan ay itinuon nitong dumaang linggo para maibsan ang paghihirap ng mga nagmamahal na bagay-bagay. At dahil dedma na nga tayo ke Covid-19, hindi maikakaila ang atensyong ngayon ay nakatuon sa matinding epekto ng pagmamahal sa kasalukuyan.

Dahil sa pagmamahal ng mga bilihin – una ay bigas, sumunod ang mga gulay, hindi kalayuan ay bawang, sibuyas, at ilang araw laman, sa isang iglap, pati sili. Pati ba naman sili? Sa huling balita, bumulusok sa P700 kada kilo ang paboriting pang-anghang sa hapagkainan, hanggang mukhang nakaupo na lamang sa P550 kada kilo. Presyo ng mga bilihin, tila walang puknat kada linggo.
Sabayn pa ang sitwasyon ng walang habas na paglobo ng presyo ng gasoline, krudo, at iba pang petrolyo. Tila walang mapiling paraan ng kasagutan ang gobyernong tila alipin ng pandaigdigang bentahan ng ptrolyo. Ganito sila noon, ganito pa rin ba ngayon? Idagdag pa diyan ang usapin ng wastong pag-gamit ng mga sinasabing confidential at intelligence fund.

Tama nga naman, kung susuriin ang sitwasyon. Yung ngang Department of Education, mayroong
intelligence funds. Aba, kailangan talaga na dagdagan pa ang mga ginagamit na pampagana ng Intelligence. Hindi ba’t ang pangunahing adhikain sa edukasyon ay ang maging matalas ang talino at galing ng mga mag-aaral? Mahirap talaga ang mabuhay sa mundo ng pagmamahal. O sige, mahal na kung mahal. Hintayin na lang ang pagsilakbo ng init ng mga mamamayang matagal na ring isinasayaw sa tono ng pagmamahal. Eto nga at mukhang tapos na ang mga mapaminsalang mga bagyo – Egay, Falcon, Goring, Hannah, Ineng, Karding. Hindi naman naging mapamuksa ang
mga hampas ng kalikasan dala ng mga bagyo.

Ibig sabihin, nakaraos din. Ganoon lang naman si Pinoy, hindi kainlan matitinag ng isang aberya ng kalikasan at kapaligiran. Kayang umahon, bumangon, at muling tumindig ng may lakas ng loob at tibay ng dibdib. Napag-uusapan din lang ang mga araw na darating, bigwang puwang naman natin ang isinasagawang mga paghahanda sa tila walang tigil na pagdagsa ng kakaibang mga bumibisita sa atin – ang mga turistang kapwa Pilipino na naiimbyerna sa init ng panahon, sa bagsik ng mga bagyong lalong lumalakas ang hagupit. Pagmamahal sa Baguio, panatiliing walang pagbabago. AngatTayoBaguio, diyan tayo may may progreso. Pag samasama, tulong-tulong tayo.

Amianan Balita Ngayon