AGRESIBONG INFO DRIVE KONTRA HIV/AIDS KAILANGAN NA

Ang mga Pilipino ay may mababang kamalayan tungkol sa human immune deficiency virus (HIV) kung saan nanganganib silang magkaroon at magpakalat ng sakit ayon sa mga eksperto. Marami daw mga pasyente ang hindi alam na may HIV na sila. Kailangang magbukas ang gobyerno ng mas marami pang treatment hubs lalo na sa mga kanayunan. Marami na ang ginawang kamalayan sa mga pangunahing siyudad lalo na sa Metro Manila subalit kailangan pa itong palawigin pa sa mga probinsiya. Mayroon pang malaking agwat sa larangan ng pagsusuri.

Ayon sa Department of Health (DOH) ay may 14,970 pang mga Pilipino ang nagkaroon ng HIV noong nakaraang taon na mas marami ng 21 porsiyento sa nauna pang taon. Ang pagtaas ay nagtulak sa average na bilang na nasuri na may HIV araw-araw sa 41 mula 34. Mayroong nasa 140,000 mga kaso ng HIV sa Pilipinas noong 2021 ayon sa HIV and AIDS Data Hub website. Sangkatlo lamang ng mga kabataang Pilipino edad 15 hanggang 24 taong gulang ay may kamalayan sa sexually transmittef diseases at emergency contraceptive pills ayon sa isang pagaaral noong 2021 ng University of the Philippines Population Institute.

Mas kaunti sa 20 porsiyento rin ang may komprehensibong kaalaman sa HIV at acquired immunodeficiency syndrome (AIDS) ayon naman sa pag-aaral na inilabas noong Oktubre ng nakaraang taon. Sa Lungsod ng Baguio ay hinihingi ng Baguio City Health Services Office ang isang
agresibong education and information dissemination drive laban sa Human Immuno-Virus/ Acquired Immunodeficiency Syndrome (HIV/AIDS), dahil tumataas ang mga kaso. Ang mga
bagong-suring mga kaso na naiulat sa HIV/AIDS at ART registry ng Pilipinas ay nagpapakita ng
araw-araw ng pagtaas.

Noong 2011 ay anim na katao ang nasusuring may HIV/AIDS araw-araw; 21 noong 2015; 35 noong 2019 at sa taong ito ay 50 mga kaso. Noong 2019 ay mayroong 21 kaso sa Baguio City; 14 kaso noong 2020; 31 noong 2021; 56 noong 2022; at sa unang semetre pa lamang ng 2023 ay mayroon ang 19 bagong mga kaso. Taong 1984 ay may dalawang kaso lamang at unti-unting tumataas sa paglipas ng mga taon sa 1,551 mga kaso noong 2010; 7,595 noong 2015; 9,142 noong 2016, 10,989 noong 2017, 11,311 noong 2018; at 12,727 noong 2019. Bumaba ang bilang noong 2020 noong 2020 at mabagal na umakyat sa 12,333 noong 2021 at noong nakaraang taon ay umabot ito sa 14,952. Gaya ng naiulat, sa unang kalahati ngayong taon ay mayroon nang 6,059 mga kaso.

Dahil dito ay nakita ng mga eksperto sa kalusugan sa lungsod na kailangan nilang maging agresibo sa pagbibigay impormasyon sa publiko ukol sa sakit. Kailangan daw na ang populasyong may impeksiyon ng HIV, lalo na ang mga madaling maapektuhan ay dapat na masuri at madiagnose ng maayos at ma-enroll sa anti-retroviral treatment (ART), upang mapababa at sugpuin ang bigat para sa mga People living with HIV (PLHIVs) at matulungan silang magkaroon ng normal at malusog na pamumuhay kung saan lahat ay nasa isang ninety-five percent (95%) rate. Ang ART ay isang pamamaraang medikal na nagpapababa at kinokontrol ang dami ng virus, kaya, nagiging hindi-nakakahawa ang impeksiyon.

Isang dekada ang nakaraan, isang kaso ng HIV ang naiuulat sa bawat tatlong araw sa Pilipinas. Ngayon, ang bagong kaso ng HIV ay nasusuri tuwing isa at kalahating oras ayon sa Philippine National AIDS Council. Habang ang pagkalat ng HIV sa maraming bahagi ng mundo ay bumaba, ang Pilipinas ay isa sa pitong bansa na nahihirapang sugpuin ang epidemya ng HIV kung saan karamihan ng mga naiulat na kaso ay karamihang sanhi ng pagtatalik ng mga lalaki sa kapuwa lalaki (MSM). Ang partisipasyon ng mga lalaki sa hindi ligtas na pakikipagtalik at
pagtuturok ng mga droga ay pangunahing responsable sa transmisyon ng HIV.

Ayon sa DOH serologic surveillance, natukoy ang MSM na isa sa populasyon na may pinakamataas na panganib na magkaroon ng HIV at sa isang pag-aaral na inilabas ng Lancet Infectious Diseases
Journal, ang mga batang aktibo sa sex na MSM ay pangunahing transmitter ng epidemya gn HIV
sa bansa. Ang nakakaalarmang pagtaas ng HIV sa MSM ay nagdudulot ng napipintong banta at maaaring mahadlangan ang mga pagpupursige ng bans ana sugpuin ang sakit.

Ang pagpapalakas ng kamalayan sa HIV ay dapat gawing ng iba’t-ibang stakeholders at maaaring ikonsidera ang mga bagong paraan dahil sa konserbatibong kultura ng bansa. Maliban sa komprehensibong seksual na edukasyon sa mga paarlana, maaari ding mag-ambag ang mga kompanya sa isama ang HIV sa mga polisiya sa lugar ng trabaho, gayundin makakatulong din
ang social media na isulong ang kamalayan sa edad 15-year na grupo. Hindi dapat isipin ng tao na ang pagiging positibo sa HIV ay isang kahihiyan o nakikitang isang hatol ng kamatayan.

Amianan Balita Ngayon