Baguio, Benguet Mayors proprotektahan ang mga bayan sa pagdaluyong ng COVID

LUNGSOD NG BAGUIO – Pinag-iisa ng mga Mayor ng Baguio at mga bayan sa Benguet ang mga hakbang upang protektahan ang kani-kanilang nasasakupan sa gitna ng pagdaluyong ng mga kaso ng COVID-19.

Nangako sila na magkapitbisig sa pagsasagawa ng contact tracing, testing, border control at iba pang mga polisiya sa isinagawang conference noong nakaraang linggo sa Baguio City Inter-Agency Task Force meeting sa pangunguna ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong na dinaluhan nina Mayor Romeo Salda ng La Trinidad, Victorio Palangdan ng Itogon, Clarita Sal-ongan ng Tuba, Ruben Tinda-an ng Buguias, Armando Lauro ng Tublay, Thomas Wales ng Bokod, Frenzel Ayong ng Mankayan at Vice Mayor Arthur Baldo ng Sablan.

Sinabi ni Mayor Magalong na ang pagtaas ng mga kaso ay nakakaalarma at kung hindi mapigil ay ‘maaaring magresulta sa pagdoble ng bilang anumang oras kaya kinakailangan ng iisang pagkilos.’

” As neighbors, we have to work together and protect each other because anything that happens in one locality will impact the other,” paghihikayat ng Mayor ng Baguio. Upang matulungan ang mga bayan na madevelop ang kanilang sistema sa contact tracing ay inialok at handang ibahagi ni Magalong ang istratehiya ng lungsod kasama ang software at capability building ng libre.

“Science-based giyera laban sa COVID?” Isang 14-na araw na training at immersion ang inorganisa sa lungsod para sa police operatives at mga eksperto sa information technology ng mga munisipalidad upang itatag ng kanilang kapabilidad sa pagtunton sa mga contacts at mapigiloan ang pagkalat ng virus.

Sinabi ni Magalong na ang sistema ay isang “powerful tool in establishing the entire picture on the links of the patients” at matutulungan ang local government units na pagsamahin ang datos
dahil ang ilang mga kaso ay magkakabit-kabit.

Sa mga isyu ng border ay mas mahigpit na mga patakaran ang ipapatupad lalo na sa mga umaabuso sa kanilang food pass at iba pang mga pass. Nagkasundo ang Tuba at Baguio na pagbabawalan ang mga truck na nagdedeliver ng chicken manure na walang business permits mula sa Benguet.

Mag-uusap ang mga police ng Baguio at La Trinidad upang ayusin ang kanilang mga panuntunan sa border.

Nagkasundo rin ang mga LGU na paiigtingin ang testing sa kanilang vulnerable sectors gaya ng vegetable dealers at truck drivers. Hiniling sa lahat ng mga munisipalidad na magsumite ng listahan ng mga prayoridad sa swab at rapid testing na ayon sa pagkakaroon ng mga kits.

Sinabi ni Baguio General Hospital and Medical Center Medical Officer Ricardo RunÞez Jr. na may mga alokasyon ng test kit para sa probinsiya ng Benguet ngunit kulang sa consumables.

Inialok ni Magalong ang ilan sa rapid test kits ng lungsod para sa mga hindi sakop ng swab tests na nangako siyang tutulong magkaroon ng mas maraming supplies ng test kits at consumables.
Nagkasundo rin ang mga mayor ng Baguio at Benguet na pagdugtungin ang kanilang mga polisiya partikular sa liquor ban at iba pang panseguridad na hakbang.

Inialok din ni Magalong na isama ang La Trinidad sa implementasyon ng cashless transactions para sa public utility vehicles na kasalukuyang inaayos ng pamahalaang lungsod upang mabawasan
ang panganib sa pagkalat ng COVID-19.

AAD/PMCJr.-ABN

Amianan Balita Ngayon