Baguio City handa sa paggunita ng Fire Prevention Month

Lungsod ng Baguio – Seguridad at katapangan ang tinitiyak ng ahensya ng Baguio City Bureau of Fire Protection (BFP) ngayong buwan ng Marso bilang paggunita sa taunang Fire Prevention Month.

Sa pahayag ni Acting Provincial Fire Marshal Nestor C. Gorio noong Huwebes, sinabi niya na ang BFP ay nakatitiyak na ang Baguio City ay handang-handa para aksyonan ang mga hihingi ng tulong sa kanilang ahensya.

Ang BFP Baguio ay matiyaga ding sinusuri ang mga kabahayan sa lungsod upang mas makasigurong ligtas ang mga kabahayan sa mga insidente ng sunog.

Binigyang-diin din ng BFP na ang kanilang mga iba’t ibang programa na nakalatag ngayong taon ay makakatulong upang makasiguro ang mga mamayan na dapat pakaingatan ang bawat gamit sa kabahayan para mas lalong maging ligtas.

Sabi ni Gorio, “Handa po kami sa pagresponde sa kahit anong tawag na maaring makaiwas sa insidente ng sunog.Magtulong-tulong po tayo sa lahat ng aspeto bilang responsableng mamamayan para makaiwas sa sunog.”

Importanteng pangalagaan ang kapaligiran upang makaiwas sa anumang insidente ng sunog, lalong-lalo na sa mga business area, kabahayan at mga barangay na dapat sanayin at turuan para mag-ingat at maging alerto upang tayo ay mas maging handa sapagka’t buhay at kaligtasan ng mga tao ang nararapat na pagtuunan ng pansin, dagdag pa ni Gorio.

Nagpaalala din si Gorio tungkol sa mga de-koryenteng koneksyon na posibleng magkaroon ng short circuit, kapabayaan sa pagluluto, at mga nakasinding kandila, na ilan sa mga pang karaniwang mga sanhi ng sunog kung kayat ito ang dapat na maiwasan para ang kaligtasan ng bawat mamamayan ay mas maaliwalas na makakamtan.

Jethro N. Faina, UB Intern/ABN

Amianan Balita Ngayon