Bato

Bato?! Nakakalungkot man aminin na ang bato sa negatibong kahulugan ay isang “droga” sa Pinas na pilit pinupuksa ng ating Pangulo Rodrigo Duterte na pangunahing dahilan sa mga heinous crime sa ating bansa. Aminin na natin mga Kadungngo-dungngo na easy money nga naman kasi ang pera sa pagbebenta nito ngunit sadyang ipinipikit at isinasantabi ang konsensya na makasira ng kinabukasan ng iba. Ngunit sadya atang di naisip na ang binentahan nito ay gagawa ng masama sa kanyang kapwa at maaaring ang magawan niya ng masama ay ang anak, magulang, pinsan, o sino man sa mahal niya sa buhay.

Bato?! May isang personalidad na kilala sa pangalan na ito, ginagamit din ang bagay na ito para sa pagpapatayo ng mga istraktura, daanan at iba pa. Ginagamit ang bagay na ito pantanggal ng dumi sa ating katawan. Ngunit ang pinakamaganda ay ginagamit ito ngayon para sa ikakaginhawa ng sakit ng ating mga kasu-kasuan. Kadungngo-Dungngo, ang pag-uusapan natin sa araw na ito ay “Stone Massage”, ang benepisyo na nakukuha rito. Pero bago ko pa makalimutan, pahintulutan niyo naman po akong pasalamatan ang Head to Toe Massage and Relaxation na nasa 2nd Basement Palangdao Bldg, Gen. Luna Road, Baguio City, owned and managed by Madam Patty Man-a.

Bato?! A hot stone massage is one type of massage therapy to help relax your tense muscles and relax tissues throughout your body as heat helps increase blood flow. Number two benefits of trying stone massage as studies said that it reduces stress and anxiety. Sitting in an 8-hour job every day is a big no-no! Every once in a while, try to walk or stretch a lil’ bit to avoid early age stroke because of lack of exercise. So if you really do not have time then try the stone massage. Another benefit of this is it boosts immunity and promotes sleep. However, this kind of massage is not good sa mga taong may open wounds, osteoporosis, history of blood clots, diabetes and bone fracture ayon sa www.healthline.com.

Bato?! Sa negosyo mga Kadungngo-dunggo, huwag mong hahayaang maging bato ang pinaghirapan mo para di mo mabanggit ang “Pera na nga, naging bato pa!” Ang motto ng inyong Dungngo sa buhay? “Lumabas ka ng bahay na walang pera? Pwes, umuwi ka sa bahay nang may marangal at malinis na pera”. Pero sa Bible (KJV) 1Timothy 6:10 “For the love of money is the root of all evil: which while some coveted after, they have erred from faith, and pierced themselves through with many sorrows.” Dahil sabi nga ng isang awitin “Everything that Glitters is Not Gold” by Dan Seals. Aanhin nga naman ang maraming pera at kasikatan kung di’ ka na nga masaya, alone ka pa!

Kaya masarap magpa-massage pag kasama mo ang iyong mahal sa buhay, pagkatapos harapin ang stressful na trabaho at mga taong negatibo sa iyong paligid. Treat yourself Kadungngo-dungngo together with your special someone that strengthen you dahil lagi nga namin ire-remind sayo “Ti Panagtinnunos nga Agtrabaho, mangiturong iti Panagprogreso”.

Parachute

Amianan Balita Ngayon