Dumarami ng bayan at barangay sa probinsiya ng Benguet ang sumusuporta sa kampanya para gawing free medical service ang dialysis sa bansa at naghain ng kani-kaniyang resolusyon ukol dito.
Iniurong ng Baguio Correspondents and Broadcasters Club Inc. (BCBC) ang pagsusumite ng mga dokumento kay Pangulong Rodgrigo Duterte at iba pang national government offices sa ibang araw upang makakalap pa ng karagdagang resolusyon mula sa ibang local government units gayundin ang mga lagdang isusumite ng ilang grupo at indibiduwal na nagboluntaryong isagawa ito sa sariling inisyatibo.
Kahit na naisumite na ang mga dokumento ay magpapatuloy pa rin ang signature campaign upang patuloy na makumbinsi ang Pangulo, ang kongreso ng Pilipinas, Department of Social Welfare and Development, ang Department of Health at ang Philhealth na ang pagkakaroon ng unified program para sa free dialysis ay ang pinakamabuting paraan upang matulungan ang tumataas na bilang ng pasyente na dumedepende sa emergency life-saving procedure subalit patuloy na nagkukumahog sa paghanap ng pondo para dito, ani BCBC outgoing president Ramon Dacawi.
Itong nakaraang linggo ay marami pang pirma ang natanggap ng Benguet Renal Center Patients and Caregivers Association sa pamumuno ni Ariel Bastian, St. Louis University Renal Center, Kias Barangay at ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na umabot sa kabuuang pirma na 40,000.
Isinumite nina Bastian at kapwa pasyente ang mga kopya ng resolusyon na sumusuporta sa kampanya na inadopt ng pamahalaang gobyerno ng Benguet, mga munisipalidad ng La Trinidad, Itogon, Kapangan, Buguias, Tublay, Liga ng mga Barangay ng La Trinidad at Buguias at ang Sangguniang Barangay ng Puguis, Cruz at Poblacion sa bayan ng La Trinidad.
Ang hakbang na suporta ay naisakatuparan dahil sa sariling resolusyon ng asosasyon na naglunsad sa signature campaign at isinumite sa lahat ng legislative councils sa barangay, municipal, city at provincial levels sa probinsiya ng Benguet.
Bago ang paglunsad ng kampanya ay nag-adopt na ng resolution ang Baguio City council upang mapasigla ang suporta sa kampanya.
Muling nanawagan si Dacawi sa mga LGU sa provincial, city, municipal at maging sa barangay na magkaroon ng sariling resolusyon ng suporta na base sa BCBC resolution na maaaring ma-download sa petition posted sa website .
“LGUS that already adopted their resolutions are also requested to inform us and provide us copies for acknowledgment and inclusion in our documents and those with initiatives on the signature campaign kindly inform us at the PIO-CMO or email us at [email protected],” ani Dacawi.
Ang mga sign-up sites para sa kampanya ay sa city public information office at city councilors’ offices sa Baguio City Hall, PIA-CAR harap ng Mansion, Luisa’s Café sa Session Road at sa Baguio General Hospital dialysis section at Bookends Book Shop sa Calderon St. Aileen P. Refuerzo / ABN
April 15, 2017
April 15, 2017
September 13, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024