BETBET FONGWAN-KEPES NAGPAHAYAG NG PRIORIDAD NA “PLATAPORMA”

LA TRINIDAD, Benguet – Isusulong ni Women Advocate Rose ‘Betbet’ Fongwan-Kepes ang tatlo sa kanyang pangunahing plataporma para sa ikalawangdistrito ng lalawigan ng Benguet.
Ayon kay Kepes, hangad niya na maprotektahan ang mga magsasaka sa kasalukuyang dinaranas na pagkalugi sa vegetable farming dulot ng vegetable farming, na hanggang ngayon ay hindi pa nareresolba ng gobyerno.
Aniya, bilang tulong kapag mabigyan ng pagkakataon na makapag-silbi sa mga kababayan ay prioridad niya na mabigyan ng solusyon ang mga apektadong magsasaka at mga women’s organization sa pamamagitan ng pagpapatayo ng Livelihood Center na magagamit sa anumang activities at programang pangkabuhayan.
“Sa aking pagbisita sa iba’t ibang bayan sa ikalawangdistrito ay nakita natin may mga kanya-kanyang livelihood women’s organization at narinig natin ang kanilang hinaing sa pagkalugi sa panahon ng kasagsagan ng pandemya at kakulangan ng mga kagamitan sa paggawa ng produkto bilang livelihood.
Mahalaga na mabigyan natin ng atensyon ang mga women’s organization na maging aktibo sa mga livelihood program,”paayag ni Kepes.
Isusulong din ni Kepes ang mas marami pang beficiaries sa scholarship program.’Kung limitado sa ponso ang ating gobyerno,maari tayong makipag-partnership sa mga kolehiyo sa lalawigan,para mas marami ang mahimok na mag-aral”
“Ang turismo ay maituturing natin na malaking tulong sa ating lalawigan,dahil maraming job opportunities, paglago ng negosyo dahil sa mga turista. Ang Benguet ay isa na sa tourists destination sa ngayon dahil marami ng mga farm ang ginawang tourist spots, kaya dapat nating suportahan ang mga tourism stakeholder na mapaunlad pa ang bawat lugar.”
“Marami pa tayong programa,dahil nakita ko na marami ang dapat na mabigyan ng pansin at tulong ng provincial government.”
Ayon pa kay Kepes, ang pagpasok sa pulitika ay kasagutan sa kanyang mga pangarap na maipagpatuloy ang legacy ng kanyang yumaong ama na si Nestor Fongwan,Sr. na kinilala bilang Action Man ng lalawigan.
Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon