Binata sinaksak ng sariling kuya sa Alaminos City

Isang kaso ng pananaga ang nangyari sa Barangay Bued, Alaminos City, Pangasinan na kung saan ay magkapatid ang sangkot. Isang Manny Galano Corpus, 34, walang asawa at isang construction worker ang tinaga ng kaniyang sariling kapatid na nakilalang si Noel Galano Corpuz, 40, may-asawa at construction worker. Nagtamo ang biktimang si Manny ng isang saksak sa dibdib at itinakbo sa Western Pangasinan District Hospital, Alaminos City, subalit idineklarang dead on arrival ng mga doctor ang nasabing biktima habang ang suspek ay hinuli ng mga rumespondeng pulis ng Alaminos CPS. Ang suspek ay kasalukuyang nakakulong sa Alaminos CPS para sa kaukulang disposisyon.

Amianan Balita Ngayon