Habang sinusulat ang espasong ito….nairaos na ang eleksiyong pambarangay at Sangguniang
Kabataan na sinundan naman ng Undas. Ayon sa mga ulat…generally peaceful ito bagama’t may mga kaunting sabit. Sa ulat ng PNP, may 19 ang namatay na may kinalaman sa eleksiyon sa buong bansa at may mga lugal na naantala ang botohan dahil sa banta ng karahasan. Gaya ng taunang
eksena…mapayapa ang ngilin ng sambayanan sa araw ng mga patay lalo na sa mga malalaking
sementeryo sa buong bansa.
Naglatag naman ng simpleng mensahe ang Pangulong Bongbong Marcos Jr. para sa mga nanalo sa eleksiyon (BSKE). Ito’y nagsentro sa malinis , tapat at maayos na panunungkulan. Sa Baguio City, sa tala ng Comelec, may 62-reelectionists at 66 na baguhan ang nanalo sa pagka-Barangay Chairman. May 22 re-electionist barangay chairman ang hindi pinalad. At sa resultang ito… namayani ang makatotohanang pulso ng mga botante na nagnanais ng tapat at malinis na panunungkulan.
Gusto ng nakararami ang pagbabago sa kanilang lugal at matamo ang progresong iniaatang ng pamahalaan. Nakamamangha na may malalaki at kilalang mga personahe na tinalo ng mga
bagito. Nagpapakita eto ng kagustuhan ng mga botante na subukin ang bagong panunungkulan. Sa madaling salita, parang sawa na sila sa dati. Siguro nga ay parang ulam….bagong luto at putahe
para hindi pagsawaan. Nguni’t kung titimbangin ang serbisyo….luma man o bago…kinakailangan ang pagkakaisa ng mga residente at opisyal ng isang barangay para sa kanilang pag-unlad.
Boses ng masa ang dapat manaig hindi ang diktadoryang pamumuno. Ang masaklap….may tapik ang COMELEC, lalo sa mga alkalde sa bansa na nakikialam diumano sa gawain ng ahensiya. Sabi ng COMELEC: hayaan sila sa kanilang trabaho. Sabagay, matagal may mga ganyang eksena. May mga matataas na opisyal ng lokal na gobyerno ang may mga “manok” sa tuwing may halalang
pambarangay.
Bakit? Kasi daw, ang mga manok nilang ito ang magiging puhunan nila sa darating na mga halalan lalo na sa mga maghahangad pa ng mas mataas na posisyon. Kung mas marami silang mga alipores
na mga taga-barangay, mas marami silang tsansa na manalo sa eleksiyon-nasyonal. Sabi nga nila: agaammotayon! May mga alingasngas pa nga na baka sa kampanyahan pa lang, gumulong na ang makinarya ng mga nakaupong opisyal sa lokal na gobyerno para panalunin ang kanilang mga “manok” o “alipores”.
Sabi nga nila: di baleng may mga makikialam basta’t ang serbisyo sa bayan ay hindi maapektuhan.
Kaya inuulit natin ang panawagan ng ating Pangulong Bongbong sa mga nanalo sa katatapos na eleksiyon: maging tapat at malinis sa panunungkulan. Patama ito sa mga “tamad” at “kurakot” na
mga opisyal ng barangay. Masakit mang tanggapin, pero nangyayari ito sa ating bansa bagama’t saludo tayo sa mas nakararaming tunay, tapat at malinis ang panunungkulan sa bayan.
Sila ang dapat suportahan ng masa. Sila ang dapat na dumami upang maging halimbawa at tularan ng mga kabataan. Isang hakbang tungo sa progreso. Sa lahat ng mga nanalo…nasa balikat nyo ang
pagbabago tungo sa kaunlaran. Sa mga natalo: Better luck next election! Adios mi amor, ciao, mabalos.
November 4, 2023
November 4, 2023
December 9, 2024
December 9, 2024
December 9, 2024
December 9, 2024
December 8, 2024
December 8, 2024