Category: Balitaktakan sa Amianan

Kung puno na ang salop, kalusin na

Bigas ang pangunahing pagkain ng mga Pilipino, kahit pa gaano kamahal ang presyo ay pinagsisikapan ng isang simpleng mamamayan na makabili kahit isang kilo lamang. Sa panahon kung saan nagtataasan na ang presyo ng mga bilihin lalo na ang mga commercial rice ay tanging NFA rice lamang ang makakayang bilhin ng isang mahirap dahil mas […]

Sala sa trapik, sala sa parking

Minsan nakakainis at minsan naman ay nakakatuwa ang ginagawang pag-aasikaso ng mga traffic enforcer ng Baguio City Police Office. Bakit kanyo, kasi minsan ang mga pulis trapiko ay nasa lansangan sa mga choke point na lugar tuwing rush hour at minsan naman walang pulis na nagtatrapik sa oras ng rush hour, ang tanong ano ba […]

Bakit kailangan pa ng checkpoint?

Wala namang kaso sa pagkapanalo ni Ike Bello na siya nga ang nagmamay-ari ng isang bahagi sa Lamtang-Pico Road ayon sa resulta ng isinagawang joint survey subalit ang paglalagay ng checkpoint at barikada sa daan, kumuha muna ng “privilege pass” at kumolekta ng bayad sa mga sasakyang daraan ay tila sobra naman yata at hindi […]

Trapiko at kakulangan ng parking area, reklamo ng tao

“Bakit walang nagtatrapik na pulis, walang maparadahan, ano ba yan?” Ito ang kadalasang nagiging bukang bibig ng mga tao o ng mga motorista kapag sila ay nagkakaroon ng problema sa parking at trapiko. Hindi lang mga residente ng Baguio at Benguet ang nagrereklamo, maging mga turista o bisita sa lungsod ay ito ang kadalasang reklamo […]

PDEA, lilinisin sa droga ang 19 barangay sa Baguio bago SONA, kaya ba ito?

Nakakabilib kung hindi man nakakagulat ang naging pahayag ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-CAR na pursigido silang putulin at linisin sa droga ang 19 barangay sa lungsod ng Baguio at buong rehiyong Cordillera hanggang Hulyo bago ang State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte. Magandang balita ito kung ito nga ay matutupad. Ayon […]

Anti-smoking ordinance

Okay, aprubado na ng konseho ng Baguio ang Anti-Smoking Ordinance o “Smoke Free Baguio”! Tama na ipinagbabawal ng ordinansang ito ang paggamit, pagbebenta, distribusyon at advertisement ng mga sigarilyo at iba pang produktong tabako sa mga lugar na tinukoy at pagpapataw ng multa sa mga lumalabag. Okay pa rin dahil naka-angkla ang nasabing ordinansa sa […]

May solusyon pa ba?

Maliban sa bakasyon na ng mga mag-aaral ay panahon na ng Semana Santa na kung saan ay sinasamantala ng karamihan na magbakasyon. Isa ang lungsod ng Baguio sa paboritong puntahan ng mga bakasyunista at tiyak dadagsain na naman ang lungsod. Ibig sabihin nito ay baka kulangin na naman ang lungsod ng suplay ng tubig, sisikip […]

Pati ba naman dito may mafia?

Sumulat po ako hindi dahil masama ang loob ko kundi nais ko lamang pong ibahagi ang hinaing at obserbasyon ng ilang kasama. Ilang taon na ring may patimpalak sa photography at articles tungkol sa Panagbenga at kapansin-pansin na ang mga nananalo ay pare-pareho lamang na tao. Kalimitan pa nga ay nakakaraming panalo ang mga national […]

Amianan Balita Ngayon