Pagkakatalsik kay CJ Sereno, kasiraan nga ba ng hudikatura? Pamasaheng P14, makatarungan ba?

Ano nga kaya ang kahihinatnan ng Korte Suprema sa pagkakatalsik kay Supreme Court Chief Justice Ma. Lourdes Sereno? Ito nga ba ay magbubunga ng kasiraan o pagkawasak ng tiwala ng mga Pilipino sa hudikatura ng bansa? O magdudulot ba ito ng kaguluhan sa mga pro- at anti-Sereno?
Ito lamang ang mga katanungan ng ilan sa ating mga kabayan, kung saan ay hati ang opinyon ng mamamayan sa pagkakatalsik ni Sereno bilang punong hudikatura.
Sa ginanap na botohan ng Associate Justices ng Supreme Court sa usaping “qou warranto arrest” laban kay Sereno noong Mayo 11, lumabas sa botohan ang 8-6 ibig sabihin ay walo ang bumoto pabor sa “qou warranto arrest” at anim naman ang hindi pabor.
Ang walong Associate Justices na bumoto na pabor sa pagpapatalsik kay Sereno ito ay sina Teresita Leonardo-De Castro, Diosdado Peralta, Lucas Bersamin, Francis Jarden, Samuel Martires, Noel Tijam, Andres Reyes Jr., at Alexander Gesmundo.
Ang anim na hindi pabor sa pagpapatalsik kay Sereno ay sina Antonio Carpio, Presbitero Velasco, Perlas Bernabe, Mariano Del Castillo, Marvic Leonen at Benjamin Caguioa. Kalahati sa apat na Associate Justices na pabor sa pagpapataksik kay Sereno ay appointee ni Pangulong Rodrigo Duterte, tatlo kay dating Pangulong Gloria Macapagal–Arroyo at isa kay dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino na siya ring nagtalaga kay Sereno bilang Chief Justice ng Supreme Court.
Dahil sa pagkakatalsik ni Sereno, nagkaroon ng iba’t ibang opinyon ang mga Pilipino. May ilang nagsasabi na dapat daw ay nagsumite ng tunay na SALN o Statement of Assets, Liabilities and Networth si Sereno at hindi nagsinungaling, ang iba naman ay hindi raw makatarungan ang pagpapatalsik o ang pag-isyu ng “qou warranto arrest” dapat umano ay ihain sa Congress upang talakayin kung impeachable ba o hindi ang kaso ni Sereno. Si Solicitor Jose Calida ng Office of the Solicitor General ang nagpila ng “qou warranto arrest” kay Sereno sa Supreme Court.
Nagkaroon din ng kilos protesta ang iba’t ibang grupo na sumusuporta kay Sereno, sa lungsod ng Baguio ay nagsagawa ng candle lighting na ipinapakita ang “namatay” na simbolo ng katarungan.
Ayon kay Wendell Bolinget, Chairman ng Cordillera Peoples Alliance, ang nangyari umano kay Sereno ay kawalan ng katarungan sa bansa at namumutawi umano ang dilim at pagkakaroon ng bansa na may diktatorya.
Kinondena nila ang walong hudikatura na pumabor sa pagpapatalsik kay Sereno at pinuri naman nila ang anim na kumampi kay Sereno.
Sa tagal ng isyu na ito kay Sereno, naging laman ng telebisyon at iba’t ibang pahayagan maging nasyunal man o lokal, ay bukas ang isipan at mata ng bawat Pilipino at nasa kanila na ang paghatol kung tama o hindi ang pagkakatalsik kay Sereno bilang punong hudikatura. Sa ngayon ayon sa mga “tsismis” na aking narinig balak umanong umapela ni Sereno sa kanyang pagkakatalsik. At sa usaping ito dahil nangibabaw ang “qou warranto arrest” ay wala na ring pag-aaksayahang pera ng bayan at oras ang Kongreso upang ituloy ang nabinbin na sarswela este “impeachment trial” sa Senado.
*******************
Sa aking mga kababayan sa Baguio, dumalo kayo sa darating na Mayo 15, 2018 sa gagawing public consultation sa tanggapan ng LTFRB sa Pacdal kung papayag ba kayo sa P14 na pamasahe o hindi. Sa mga mambabasa, kung may nais kayong isyu o usapin na kailanganng bigyan ng atensyon, mag-email lamang sa [email protected].

THOM F. PICAÑA, Editor

Amianan Balita Ngayon