Category: Daplis Walang Mintis

Anti-distracted driving law, maraming nalilito

Tone-toneladang tanong, upak, banat, iskrutiny ang bumunghalit sa sosyodad matapos naging batas ang  ADD Bill na naging batas – Republic Act 10913 o ang Anti Distracted Driving Law. Bakit naman? Ala eh, sandamukal daw ang mga isyu na dapat linawin bago ipatupad. Ang kaso, kabayan, eh ipinatupad na kamakailan (May 18, 2017). Pero sabi nila, oryentasyon […]

Napoles, pinawalang-sala! Ginoo!

Maryusep! Si Napoles ang tinaguriang Pork Barrel Queen, pinawalang-sala? Lusot na? Oh, my pork! Plunder ang kaso dahil grabeng limpak na pera ng bayan ang kinamal ng kanyang pekeng NGO na naging sanhi rin kung bakit nakabilanggo ngayon ang tatlong senador at marami pang nakasuhan, lalaya na? Haanooo? Sandali lang pards, relax lang. Hindi sa plunder case siya absuelto, ayon […]

Sen. Sotto inupakan ng mga kababaihan

Sumulak ang dugo ng maraming kababaihan (in particular) kay Sen. Tito Sotto kamakailan dahil sa iysu ng salitang: ‘NA-ANO LANG’! Hayagang binatikos ng Gabriela Partylist ang pahayag na ito ni Sotto kay DSWD Sec. Judy Anne Taguiwalo kaugnay sa pagiging single parent nito. Nangyari ito sa gitna ng hearing ng CA – Commission on Appointments, […]

Duterte, hindi nila tinatantanan!

Habang tumatagal sa Palasyo si Pres. Duterte lalong nagkakasala-salabat ang mga tangkang siya’y pabagsakin bilang pangulo. Kaliwa’t-kanan ang mga batikos at paninira. Ang pinakahuli ay ang isinampang kaso sa ICC (International Criminal Court) dahil daw sa paglabag sa karapatang pantao. Itinaon pang may ASEAN Summit dito sa bansa. Kaya sabi ng ilang analysts: hindi kaya […]

Kabaong bus, bakit bumibiyahe pa?

Susmaryusep, katatapos lang tayong nagngilin noong Semana Santa (Holy Week), panibagong dagok muli ang umatake sa atin lalo na sa mga naging biktima. Ano ba ire? Kalunos-lunos ang nangyari kamakailan sa isang naaksidenteng bus sa Brgy. Capintalan, Carranglan, Nueva Ecija. Habang sinusulat ang espasyong ito, 31 na ang naitalang namatay at 46 ang sugatan. Ang […]

Aral sa Mahal na Araw, mahapdi!

Kung baga sa kurot ng pagibig, kaiba ang hapdi ng kurot ng Mahal na Araw.  Paano at bakit kaiba ang kirot? Masalimuot at may kurot ang bawat sandali ng mga nagdaang mga “Mahal na Araw” o ang “holy week”. Ating isasalang sa gunita ang ilan, mga pards:

Agaw bahay, bagong kontrobersiya!

Haayyy buhay, kung ano-anong kontrobersiya na ang naging bida sa lahat ng mga tsismisan at umpukan sa nakalipas na mga araw. Ang pinakahuli nga ay yung “palit ulo” sa kampanya vs. droga. Kung uso rin sa mga blotter ng pulisya ang kasong “agaw-armas” at “agaw-puwesto” sa trabaho, may nagbabaga pa ngayong bagong “agaw”. Ito ang […]

Digong at Leni, sweet na ba? Owsss!

Owss at owsss pa rin ang naging reaksiyon ng marami sa mga eksenang nasaksihan kamakailan lalo na noong nagdaos ng ika-72 kaarawan ni Pres. Duterte kung silang dalawa ni VP Leny Robredo ang ating tsitsismisin. Haay naku napakahirap mag-spelling. Napakahirap husgahan ang bawat tinginan, ngitian at marami pang kakuwanan na maaari mong paghuhugutan ng mga […]

De Lima at VP Leni, nagmamadali raw?

Habang sinusulat ang espasyong ito, nasa Thailand pa rin ang Pangulong Duterte para sa kanyang dalawang araw na official visit pagkatapos sa Myanmar. Kung gaano kainit sinalubong si Digong sa Mynamar, ganun din kainit sa Thailand lalo na sa mga Filipino community doon. Katunayan nga, nagkasundo ang Thailand at Pilipinas na lalo nilang paigtingin ang […]

Apo Digong, saan ba talaga tayo patungo?

Yan ang mga katanungang laging pinagpipyestahan sa mga umpukan lalo na sa palengke at mga barberya at chismisan centers of the republic. Ang ano? Ano fe kundi ang tanong na: saan ba tayo talaga patungo Mr. President? Marami ang nalilito. Bakit? Aba’y ala pa tayong isang taon, ala, e, sandamukal na ang mga pangyayari. Di […]

Amianan Balita Ngayon