Category: Daplis Walang Mintis

Martial Law, preno o larga pa?

Preno na ba o larga pa ang martial law sa Mindanao, pagkatapos ng 60-days? Yan ang malaking katanungan ngayon. Buong bansa ang nagbalitaktakan  hanggang sa kasuluksulukan ng mga barangay. May nagtatalak upang masabi lang na may utak (daw) sila. May dumadada kahit walang alam sa kung ano talaga ang Martial Law. Gusto lang umeksena. May nagbubunganga dahil may […]

Palit-ulo, no way sagot ni Digong

No way! Yan ang mabigat na sagot ni Pres. Duterte sa isyu ng palit-ulo. Ganito yan, pards. Kamakailan, sa pamamagitan  ni Abdullah Maute, tumatayong lider ng mga teroristang Maute na palalayain daw nila ang kanilang mga bihag, kasama si Fr. Chito Suganob kung palalayain din ang kanyang ama na si Cayamora Maute at ina na […]

‘Pinas, hitik sa ‘peke’

Mariakusinang mahabagin, bumunghalit ka naman ng swerte. Bakit? Ba’y halos mga kamalasan na yata ang kinalulubluban ngayon ng ating kakarampot na isla ng Pilipinas, eh! Di na natapos-tapos ang mga ka-buwisitan.  Wagas na wagas kung bumanat eh. Ang sentro pa naman ay mga peke. Sus ginoong hubad!  Sandamakmak nga naman ang mga kapekehan sa ating […]

Martial Law, hanggang kailan kaya?

Habang sinusulat ang espasyong ito, di pa tapos ang oral argument sa Korte Suprema hinggil sa isyu ng deklaradong Martial Law ng Duterte Administration para sa buong Mindanao. Ayon sa mga nagpetisyon, wala raw basehan ang naturang deklarasyon. Sagot naman ng mga pabor – merong basehan. Diyan nagsesentro ngayon ang kanilang balitaktakan. Wala muna kaming […]

Mga kontrobersiya sa ‘Pinas, patong-patong

Kung baga sa pagkain, bundat na bundat. Kung sa asaran-blues – sagad na sagad. Kung sa banatan at murahan – wagas na wagas. Yan ang kartada ngayon ng mga kontrobersiya sa Pilipinas, ang bayan kong sinilangan. Bayan kong hitik sa karumal-dumal na mga eksena lalo na sa pulitika. Pero kahit tuldok lang tayo sa mapa […]

Bakbakan sa Marawi, matatapos kaya?

Habang sinusulat ang espasyong ito, patuloy pa rin ang bakbakan sa Marawi City. Natural, patuloy din ang pagdami ng mga namamatay at nasusugatan. Kasama ring dumarami ang mga taong naiipit sa bakbakan. Di nila malaman kung saan kukubli at kung saan din kukuha ng makakain. Marami at darami pa ang problemang darating habang ang usok sa bakbakang […]

Bantang Martial Law, tinuluyan

Pagkatapos ng kung ilang mga bantang magdedeklara ng Martial Law sa Mindanao (in particular), tinuluyan na kamakailan (May 23, 2017) ni Pres. Duterte. Talagang wala nang atrasan. Mantakin mong nasa Kremlin (Russia) siya para sa kanyang limang araw na opisyal na misyon doon, sumabay pa ang mabigat na problema sa Marawi City. Kaya doon na […]

Anti-distracted driving law, maraming nalilito

Tone-toneladang tanong, upak, banat, iskrutiny ang bumunghalit sa sosyodad matapos naging batas ang  ADD Bill na naging batas – Republic Act 10913 o ang Anti Distracted Driving Law. Bakit naman? Ala eh, sandamukal daw ang mga isyu na dapat linawin bago ipatupad. Ang kaso, kabayan, eh ipinatupad na kamakailan (May 18, 2017). Pero sabi nila, oryentasyon […]

Napoles, pinawalang-sala! Ginoo!

Maryusep! Si Napoles ang tinaguriang Pork Barrel Queen, pinawalang-sala? Lusot na? Oh, my pork! Plunder ang kaso dahil grabeng limpak na pera ng bayan ang kinamal ng kanyang pekeng NGO na naging sanhi rin kung bakit nakabilanggo ngayon ang tatlong senador at marami pang nakasuhan, lalaya na? Haanooo? Sandali lang pards, relax lang. Hindi sa plunder case siya absuelto, ayon […]

Sen. Sotto inupakan ng mga kababaihan

Sumulak ang dugo ng maraming kababaihan (in particular) kay Sen. Tito Sotto kamakailan dahil sa iysu ng salitang: ‘NA-ANO LANG’! Hayagang binatikos ng Gabriela Partylist ang pahayag na ito ni Sotto kay DSWD Sec. Judy Anne Taguiwalo kaugnay sa pagiging single parent nito. Nangyari ito sa gitna ng hearing ng CA – Commission on Appointments, […]

Amianan Balita Ngayon