Category: Police Patrol
Operator sa Philex Mining, patay matapos mabagsakan
July 23, 2017
Patay ang isang scope tram operator matapos aksidenteng bumagsak ang lagusan ng level 908 (underground) ng Philex Mining Corporation bandang 4pm ng July 16, 2017. Ayon sa imbestigasyon, bandang 8:40am ng parehong araw nang biglang gumuho ang lagusan ng level 908 at nadaganan ang biktimang si Abelardo Binwag, 48 anyos, operator ng scope tram.
Paupahang bahay, bahagyang nasunog
July 17, 2017
Bahagyang nasunog ang isang paupahang bahay sa Purok 3, Gabriela Silang, Baguio City bandang 11:30am ng July 13. 2017. Nakatanggap ng tawag mula sa radyo ang BCPO-Station 4 mula sa TOC na may isang paupahang bahay ang nasusunog. Nagpunta ang personnel ng Station 4 sa nasabing lugar upang beripikahin ang ulat at nakita nila ang […]
Fetus, natagpuan sa parking area
July 17, 2017
Natagpuan ang isang fetus sa Jadewell Parking Area, Harrison Road, Baguio City bandang 9:10am ng July 13, 2017. Habang sakay ng police mobile si PO3 Joseph Dulnuan para sa pagsasagawa ng follow up investigation sa Labsan Street, ay nakatanggap ito mula sa radyo na may nakitang fetus sa nasabing parking area kaya agad na rumesponde. […]
Korean national, huli sa pagnanakaw
July 17, 2017
Huli sa pagnanakaw ang isang Korean national sa SM Supermarket, Luneta Hill, Baguio City bandang 6:25pm ng July 13, 2017. Nahuli ng sekyu na si Jeff Oyammi ng Raya Security Agency ang suspek na si Tae Gu Kwon, 53, single, Korean national at residente ng Bakakeng Norte, Baguio City, sa pagnanakaw ng apat na bote […]
Number 1 TMWP ng PS 9, arestado
July 17, 2017
Arestado ang number one most wanted person ng Baguio City Police Office-Station 9 bandang 8:30am ng July 10 sa Barangay Ilocanos Norte, San Fernando City, La Union. Sa tulong ng pinagsamang operasyon ng BCPO Station 9 at CIDG-CAR, naaresto si Gabriel De Guzman Ellana, 35 anyos at residente ng Apugan Irisan, Baguio City sa bisa […]
Menor de edad, huli sa shoplifting
July 16, 2017
Huli ang isang menor de edad sa patagong pagnakaw mula sa 7/11 Convenience Store, M. Roxas-Trancoville, Baguio City bandang 11:30am ng July 11. Sa reklamong inihain ni Romel Oller Omo, 37 anyos, franchisee ng 7/11 Convenience Store at residente ng Sarok Camp 7, Baguio City laban sa naarestong lalaking menor de edad na patagong nagnakaw […]
Drayber, natagpuang patay sa Abra
July 16, 2017
Natagpuang bangkay na ang isang drayber sa Sitio Dalnatan, Agtangao, Bangued, Abra bandang 6:30pm ng July 10. Kinilala ang bangkay na si Leopoldo Barbadillo Bernardez, 54, may asawa, part-time driver at residente sa nasabing lugar. Ayon sa ulat, nakatanggap ng tawag ang Bangued MPS mula kay Barangay Chairman Mario S. Ballo ng Brgy. Agtangao na […]
3 NPA, sumuko sa Ilocos Sur
July 16, 2017
Sta Cruz, Ilocos Sur – Tatlo pang rebeldeng kasapi ng New Peoples Army ang sumuko sa 81st Infantry Battalion ng Philippine Army sa bayang ito. Sa kasalukyan ay umabot na sa dalawang platoon o kabuuang 11 rebelde ang nagsurender sa militar mula Enero ngayong taon.
Bangkay ng lalaki, natagpuan sa ilog
July 16, 2017
Natagpuan ang bangkay ng isang di pa nakikilalang lalaki na lumulutang sa Chico River, Sitio Agodong, Saclit, Sadanga sa Mountain Province noong July 11, 2017 bandang 3:46pm. Nakatanggap umano ng tawag ang himpilan ng pulis ng Sadanga mula sa isang concerned citizen na isang bangkay diumano ang palutang-lutang sa Chico River. Nang dumating sa lugar […]
23 anyos, patay sa gulo sa bar
July 9, 2017
Patay sa sagupaan ng mga kalalakihan ang isang 23 anyos na bar goer sa loob ng isang videoke bar sa Mabini Street, Huwebes (Hulyo 6) ng umaga.