3 NPA, sumuko sa Ilocos Sur

Sta Cruz, Ilocos Sur – Tatlo pang rebeldeng kasapi ng New Peoples Army ang sumuko sa 81st Infantry Battalion ng Philippine Army sa bayang ito.
Sa kasalukyan ay umabot na sa dalawang platoon o kabuuang 11 rebelde ang nagsurender sa militar mula Enero ngayong taon.
Ayon kay Army Lt. Col. Eugenio Osias na tumangging pangalanan ang tatlo, ang pagsurender ng mga rebelde ang nagpapatunay sa pagsisikap nilang ibigay ang seguridad sa Hilagang Luzon lalo na mula sa komunistang pag-aaklas, sa pamamagitan ng pagpapataas sa bilang ng mga rebeldeng sumusuko sa gobyerno.
Noon lamang Hunyo 28 nang si “Ka Winter”, miyembro ng Kilusang Larangan Gerilya “Montes” ng Ilocos-Cordillera Regional Committee ng CPP-NPA na may operasyon sa tri-boundaries ng Abra, Mountain Province at Ilocos Sur, ay sumuko bitbit ang kanyang US Caliber 30 Springfield M1 Garand Rifle na may tatlong bala.
Noong Hulyo 6 ay dalawang rebeldeng NPA na kinilala bilang “Ka Somer”, na diumano ay logistics officer at isang miyembro ng Squad Uno, at “Ka Paul” na squad leader ng Squad Tres, pawang sa ilalim ng Kilusang Larangan Gerilya “Marco” na may operasyon sa Mountain Province, ang nagsurender dala ang kanilang mga armas. Si “Ka Somer” ay may Cal. 45 Norinco habang si “Ka Paul” ay may US Cal 30 Browning Automatic Rifle.
Sinabi ni Osias na ibinahagi ni “Ka Winter” ang hirap ng pamumuhay sa kabundukan, lalo na sa panahon ng tag-ulan. “We always run out of food and the military is everywhere,” pahayag umano ng rebelde, ayon kay Osias.
Sinabi naman ni “Ka Somer” na narinig niya sa militar ang tungkol sa programa ng gobyerno para sa mga rebeldeng NPA na nagtulak sa kanya upang samantalahin ang oportunidad at sumuko.
Ipinahayag din ni “Ka Paul” na nainig niya ang mabuting pagtrato ng Army at kung paano natulungan ang mga dating rebelde sa pamamagitan ng Comprehensive Local Integration Program (CLIP).
Pinuri naman ni Major General Angelito De Leon, commading general ng 7th Infantry Division, ang mga nagsurender sa kanilang desisyon na ibaba ang kanilang mga armas kapalit ng payapang buhay kasama ang kanilang pamilya. “I call on other NPA members to also take advantage and avail of CLIP so that they can start a new life outside the armed struggle.”
Sinabi ni Col Henry Robinson Jr., commanding officer ng 702nd Infantry Brigade kung saan nakakabit ang 81IB, “We have seen the successes of every individual who surrendered to achieve a peaceful and productive life with the help of the government. This will convince others who are still fence sitters or just observing what will happen that surrendering is indeed a viable option than being in the armed struggle considering that what they are supposed to be fighting has now become irrelevant and a non-issue anymore.”
Pangako ni Osias, “We will not get tired in reaching out to our rebel brothers and sisters in the NPA rebel movement. We will assure them of our assistance and protection should they decide to surrender.” ACE ALEGRE

Amianan Balita Ngayon