Catriona Gray nanguna sa medical mission sa La Union

San Fernando City, La Union – Matapos mabigyan ng pagkakataon makaharap sa national at local quad media si Ms. Universe 2018 Catriona Gray ay napaunlakan rin makasama ang mga bata sa ginanap na Aldaw Ti Kaprobinsiaan ng PGLU Service Provision Day sa Provincial Capitol Grounds, City of San Fernando, La Union.

Kasabay na isinagawa ang medical mission/dental/pampering/Free Cleft Palateassessment and treatment/Hearing and eye checkup/pet consultation at libreng gamot.

Isa sa mga adbokasiya ni Gray noong nakuha nito ang korona bilang Miss Universe 2018 ay napasama siya sa global ambassador of Smile Train na kung saan ito ay isang organization ng international charity na magbigay ng corrective surgery sa mga bata na may kapansanan o ipinanganak na may cleft lips at palates.

Naging bahagi na sa buhay ni Gray ang matulungan ang mga bata at mapasaya niya mapangiti ang mga ito, dahil noon pa man ay naging malapit na ang puso nito sa mga bata.

Isa rin sa tinutulungan na charity ni Gray ngayon ay ang Young Focus ang Philippine-based non-government organization na dedikasyon para sa mga kabataan na kulang sa karapatan na ito ay mabigyan ng libreng kalidad na edukasyon, wastong nutrisyon at social welfare

Mar Oclaman/ABN

Amianan Balita Ngayon