Cosplay competition, isinagawa sa 15th anibersaryo ng IPMS

Lungsod ng Baguio – Ang International Plastic Modelers Society (IPMS) ay nagsagawa ng invitational cosplay competition sa pagdiriwang ng kanilang ika-15 na taong anibersaryo noong Abril 7 sa SM City Baguio.
Ang okasyon ay may temang “Resurgence” na layong ipakita ang pagkamalikhain ng mga kalahok.
Ang kumpetisyon ay hinati sa dalawa: ang solo category at ang group category.
“There are a lot of enthusiasts not just Baguio but in the whole Philippines and that’s how we help the community, by doing this competition and encouraging them to grow up there and love
what they’re doing,” ani Baguio IPMS Secretary Jamil Angelo Rivera.
Sinabi din ni Rivera na ang IPMS ay may adhikaing itaguyod ang Multi Hobby Group ng Baguio City upang maipakilala ang kanilang mga talento sa publiko.
Sinabi ng cosplayer na si Karl Zenon de Los Santos na nag-eenjoy siya sa mga cosplaying activities lalong na kapag nagagaya nya ang mga iba’t ibang character na kanyang gusto.
“Mas creative ngayong taon at mas varied, hindi lang open sa Japanese culture, kundi maging sa iba’t-ibang culture open na open siya,” ani Jermaine Demot na isa ring cosplayer.
Isinaalang-alang din ng IPMS ang mga ganitong kaganapan kung saan anila ay mas nakabubuti kaysa sa masamang bisyo.
Matatandaang may mga ilang pangunahing grupo ang cosplay community sa lungsod ng Baguio: ang Kawaii Kazoku na nagpasikat ng Anicraze; ang Baguio Oguni na nagtanghal ng Tanabata; at ang Baguio Otageki, ay ilan lamang sa kanila.
 
Jethro N. Faina,UB Intern/ABN

Amianan Balita Ngayon