Dalawa sa anim na proyekto sa lungsod, di pumasa kay mayor

LUNGSOD NG BAGUIO – Dalawa sa anim na proyekto na ininspeksiyon ni Mayor Benjami Magalong at ni City Administrator Engr. Bonifacio Dela Peña bilang bahagi ng bagong paraan upang masiguro ang kalidad ng infrastructure projects sa lungsod ay nakatanggap ng bagsak na marka mula sa dalawang opisyal.
Muling nagbabala si Mayor Magalong sa mga contractor na iwasan ang dayaan sa lungsod sa pagbibigay ng substandard outputs kung hindi ay mahihirapan silang mabayaran. Sinabi niya na dapat manatili ang mga contractor sa kanilang program of works at gamitin ang buong halaga ng proyekto.
“From the start, I have said that I will not beholden myself to any contractor and will not tolerate bribery or ‘lagay’ or ‘suhol’ so the only thing that I am asking of them now is to deliver projects that are commensurate to their approved costs,” ani mayor.
Simula nitong nakaraang Oktubre 30,sina Magalong dela Pena ay nagsagawa ng dalawang inspeksiyon sa anim na proyekto na malapit ng matapos sa iba-ibang lugar sa lungsod.
Sinabi ni dela Peña na pinamumunuan ang Bids and Awards Committee para sa imprastraktura ng lungsod na ang unang inspeksiyon ay sakop ang limang proyekto karamihan ay horizontal infrastructure partikular ang road at slope protection projects sa ilalim ng City Engineering Office.
“Out of the five projects, only three passed. The other two have lots of improvements to be done,” aniya. Ang ikalawang ikot ng inspeksiyon ay noong Nob. 6 na sasakupin ang lima pang proyekto ngayon naman para sa vertical infrastructures sa ilalim ng City Building and Architecture Office.
Subalit isa lamang na proyekto, isang day care center sa San Antonio Village, Aurora Hill ang nainspeksiyon dahil ang apat ay humiling ng palugit na panahon para magtrabaho pa. Sinabi niya na ang reaksiyon ng mga contractor ay nagpapatunay na inumpisahan na nilang seryosohin ang bagong pamamaraan ng “inspection-first and no-quality no-payment” ng lungsod.
Sa bagong pamamaraan, ang inspeksiyon ay mangyayari bago gawin ng lungsod ang ikalawa at huling bayad para sa proyekto at ang mga pumasa ay mabibigyan ng clearance na makakolekta ng huling bayad.
Sinabi ni dela Peña na hindi sila mangingiming ipatupad ang ‘remove and replace’ policy para sa mga proyekto na hindi papasa sa inspeksiyon.
Sinabi ni dela Pena na may isa pang panibagong pamamaraan ang ipapatupad sa lahat ng program of work mula sa CEO at CBAO ang rerepasuhin ng kaniyang opisina upang masiguro na ang resulta ng imprastrakturs ay magagamit.
“We have to first review these programs of work now so that adjustments can be made to ensure that even if the funds are not enough, the resulting infrastructure, although still incomplete, can be used outright by the beneficiaries,” aniya.
 
APR-PIO/PMCJr.-ABN

Amianan Balita Ngayon