Dalawang Sitio sa Benguet inilawan ng Beneco

ATOK, Benguet – Nagliwanag ang daigdig ng 17 household sa liblib na sitio ng Poshongan at ng Telmod sa barangay Topdac sa bayang ito ng Benguet mataspos na maikonekta ang linya ng kuryente sa dalawang sitio ng nasabing barangay na lubos na ipnagpasalamat naman ng mga residente noong Huwebes ng umaga.
Bukod sa residente ng dalawang sitio ipinagpasalamat din ng mga mag-aaral ng Topdac Elementary School na may 106 na kabuuan ng mga estudyante ang nabigyan ng programang “pailaw” ng
National Electrification Administration (NEA) na ipinapatupad ng Benguet ElectricCooperative (BENECO).
Ayon kay Engr. Melchor Licoben ,officer in charge (OIC) ng BENECO “ A total of 1.5 kilometers of primary lines and three kilometers of secondary lines amounting to PHP1.87 million and house wiring worth PHP86,635 were spent to complete the program”.
Anya mangangailangan pa ng karagdagang PHP12 milyon halaga ang kanilang tangapan upang mailawan ang buong bayan ng Atok.
Ipinahayag ni Licoben na sa taong 2020 ang bayan ng Atok ay naglaan ng halagang P5milyon upangmailawan ang ilang sitio na may pitong lugar na kung saan ay mahuhusto na ang kanilang paglalagay ng kuryente, subalit dahil sa dagok ng epekto ng Covid-19 ay nailihis ang pondo ng gobyerno sa paglaban sa nasabing virus.
Ipinangako ng tanggapan ng NEA na ang electrification ng mga nasabing sitio sa bayan ng Atok ay tatapusin sa taong 2021 ani Licoben.
“Electricity is a catalyst of development which allows residents to come up with economic activities,” dagdag pa ni Licoben. Samantala sinabi ni Licoben na nakatangap ng halagang PHP32 milyon ang bayan ng Atok mula ng simulant ang energization program ng gobyerno noong 2011 at inaasahan pa na lalaki ang halaga na kanilang matatangap sa darating na 2021.
Sa panig naman ni Atok Mayor Raymundo Sarac, sinabi niya na marami pa silang hiling sa pagsisimula ng energization program ng gobyerno na kung saan ay inaasahan nila umano na magkakaroon ng 100 percent na magkakaroon ng kuryente ang bawat tahanan sa bayan ng Atok.
Idinagdag pa ni Mayor Sarac na kapag nagkaroon aniya ng ilaw ang buong bayan ng Atok ay maiiwasan na ang pagkakaroon ng krimen at magiging maunlad ang kanilang bayan. Ang bayan ng Atok ay isa lamang sa mga dinarayo ngmga turista dahil sa mga tourists spot nito na matatagpuan gaya ng Sakura Farms ang ang Northern Blossoms at mga gulay na produkto ng bayan.
(PNA)

Amianan Balita Ngayon