DALAWANG WANTED SA STATUTORY RAPE, NALAMBAT SA ILOCOS NORTE

CAMP BGEN OSCAR FLORENDO, La Union

Dalawang Top Most Wanted Person sa lalawigan ng Ilocos Norte ang magkasunod na nalambat sa pinaigting na
manhunt operation, ayon sa Police Regional Office-1, San Fernando City,la Union. Ayon kay Brig.Gen. Lou Evangelista, regional director, nadakip ng mga tauhan Dingras Municipal Police Station sa pangunguna ni Maj. Norman Pentang ang Ilocos Region’s Top 4 Regional Most Wanted Person, na 27 taon gulang at residente ng Dingras,Ilocos Norte,noong Marso 24.

Ang akusado ay nahuli sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong 7 counts of Statutory Rape na walang piyansa sa sla ni Judge Esperanza Caridad Areniego Orig, Assisting Judge, First Judicial Region,Branch 11, Regional Trial Court, Laoag City, Ilocos Norte, Nasakote naman ng Adams Municipal Police Station, sa pangunguna ni Capt. Aimee Laggui, ang No.8 Top Most Wanted Person sa ilalim ng Regional Level. Ang suspek ay nahaharap sa kasong 3 counts of Statutory Rape , na walang kaukulang piyansa sa sala ni Judge Charles Javier Magpale Calapini, presiding judge, FJR, Branch 19, RTC, Bangui, Ilocos Norte.

Labis na pinuri ni Evangelista ang mga miyembro ng arresting team para sa kapuripuri na pagganap ng mga tungkulin ng pulisya at higit pang hinikayat ang lahat ng mga opisyal ng pulisya na manatiling matatag sa ating laban sa kriminalidad habang pinapanatili ang mas malakas na pakikipagtulungan sa operasyon ng paniktik.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon