De Lima, saan kaya siya patungo?

Mar 4, 2017

Kulong na si Sen. Leila De Lima. Marami ang natuwa. Marami rin ang nagngitngit. Pero sandali lang mga pards, hindi pa tapos ang laban di ba? Sabi nga ng mga eksperto, akusado pa lang siya at hindi pa kombiktado. Lilitisin pa ang kanyang mga kaso gaano man ito kagaan o kabigat. Wala siyang pinag-iba kina Jinggoy at Bong na nasa kulungan pa rin hanggang ngayon. Tanong: saan kaya patungo ang kapalaran ni De Lima? Yan nga ang ating titimbangin mga kabalin:

*****

Una sa lahat, hindi nakalusot ang hiling na TRO kamakailan ni De Lima dahil supalpal ito sa Korte Suprema. So tuloy ang pananatili nito sa seldang walang aircon at wala ring shower. Whaatt? Ganun din ba kina Bong at Jinggoy at noon ay kay Enrile? Siguro. Kawawa naman pala sila, hane? Di eksperto na silang gumamit ng tabo at pamaypay? Siguro. Papaano kaya si Leila na sanay sa buhay-marangya? Magse-seminar na rin kaya siya sa pagiging buhay-mahirap? Siguro. Pero teka, hindi ba’t isang rason kung bakit nakalkal ang buhay niya at idinawit pa sa buhay ng mga de-kalibreng inmates sa bilibid ay dahil sa limpak na salapi mula sa droga? Nabuking kasing buhay-hari ang ilang Lords sa loob ng bilangguan. Yun pala sandamukal palang kadatungan ang kanilang hinihigaan dahil sa droga. Susmaryusep! At itinuro nila si Leila na kakutsaba? Ganun ba? Ibig bang sabihin ay sandamukal din ang wisik sa kanya (noong DOJ Secretary pa lang) kaya namayagpag ang mga illegal na gawi sa NBP? Nilaman yan ng mga imbestigasyon sa Senado. At kung maalaala ninyo, nagtitili at nagdudumilat pa ang mga mata sa galit noon si Madam Leila na sinasabing pawang kasinungalingan ang mga satsat at upak ng mga tumestigo. At kung pinakinggan ang kanyang pang-Famas na arte sa harap ng mga imbestigador, bakit siya ngayon nasa likod ng rehas na bakal? Oo nga hane? Sige, manimbang tayo:

******

Kung sakaling makakagawa si Aling Leila ng eksena upang baliktarin lahat ang mga paratang sa kanya, papaano na ang Lords na kumalaban sa kanya? Hindi kaya matutunaw ang peluka ni DOJ Secretary Aguirre sa sama ng loob? Tiyak na siya naman ang magdadadakdak ng todo, di ba? Pati na mga otoridad na nagdiin kay Leila, isama na ang mga lumitis sa kanya sa Senado tiyak na maghuhukay din ng butas upang itago ang kanilang mga mukha, di ba? At siguro, gagawa rin si Leila ng eksena upang parusahan ang lahat ng mga taong nanduro at umupak sa kanya. Kasama kaya sina Bato at Digong? Natural kasama. Alam niyo naman kung bumunghalit ng galit si Aling Leila. Muli kaya silang magsasama sa silong ng iisang bubong ng kanyang driver-bodyguard-lover na si Ronnie? Buhay na naman sila sa saging, he he! Yan ang mga pangitain kung sakali. Tanong: magaganap kaya ang mga ito?

******

Kung babaliktarin natin ang sinundang sakali ng mga eksena sa taas, ano kaya ang mangyayari? Saan kaya babagsak ang palad ni Manang Leila? Kung guilty sa mga paratang, shoot at swak siya sa bilibid. Hmmm siyempre magkikita na sila ng kanyang mga panyero. Magkakaroon na rin siya ng kubol. Baka magpopromote na rin siya ng mga show at gagamit ng mga artista. Susmaryusep, baka lalong lalaki ang problema sa droga sa bilibid pag nagkataon. At kung guilty din si Ronnie, magsasama na sila (bilang lovers) sa Bilibid? Sus ginoo! Kulang na ang espasyo, marami pa naman sana akong upak. Next time na pards para bitin. Masakit at masarap din ang bitin kung minsan e. Tapik: ang mga nabasa ninyo ay mga kurukuro sa eksenang: kung sakali, saan patungo si Leila? Amen. Adios mi amor, ciao, mabalos!

RELATED POSTS

MERGING THE BARANGAYS

The renewed effort to consolidate and merge the 128 Barangays in the City of Baguio is once again at the forefront in a lot of peoples...

PILIPINAS… NASA TAMANG DIRESIYON!!!

Base sa isinagawang survey ng OCTA nitong 4th quarter ng 2022….85% ng mga Pilipino ang kumbinsidong nasa tamang direksiyon ang ating bansa...

SINGLE MALTREATED

The closing of a city led festival ended in a sour note because of a crass sponsor who thought it fit to deny artists of a drink. The...

PASKO SA BAGUIO

MUKHANG kakaiba ang mga naihandang mga programa sa selebrasyon ng Kapaskuhan sa Baguio. Mas masigla, Mas masaya, at mas nasa puso at diwa...

LATEST NEWS

BAGUIO TOURIST ARRIVAL UMABOT SA 1.2 MILLION NGAYONG TAON

LUNGSOD NG BAGUIO – Tinatayang umabot na sa 1.2 milyong o’ 150,000 kada-buwan ang bilang ng mga turista na dumadagsa sa Summer Capital mula noong Marso hanggang buwan ng Nobyembre ngayon taon. Iniulat ni Supervising City Tourism Officer Engr Aloysius Mapalo, na ang...

LIGHTING OF CITY’S CHRISTMAS TREE

LIGHTING OF CITY’S CHRISTMAS TREE

“ An Enchanting Baguio Christmas “ activities. The Annual Yuletide Extravaganza brings happiness and colorful events after more than two year’s due to the COVID-19 Disease. Mayor Benjamin B. Magalong led the Switching of the Christmas Tree with Congressman Mark Go,...

PHILIPPINE FLAG CARRIER OPENS BAGUIO TO CEBU FLIGHT

PHILIPPINE FLAG CARRIER OPENS BAGUIO TO CEBU FLIGHT

Philippine Airline company gears up to reopen its regular flight from Baguio City to Cebu on December 16, 2022 . Starting with Four Flight per Week, the pioneer PAL service links the City of Pines with the commercial heart of Visayas Region for the first time. In...

31 NA DRUG PUSHERS TINUTUGIS SA BAGUIO

BAGUIO CITY – Tatlungpu’t isang drug personalities na kabilang sa regional at city high value drug personalities ang kasalukuyang nasa manhunt operation ng pulisya at ng Philippine Drug Enforcement Agency na pinaniniwalaang nagtatago sa iba’t ibang barangay sa lungsod...

BAGUIO OPENS YULITIDE WITH MAMMOTH CROWDS

BAGUIO CITY - Crowds gathered in a post pandemic show of lights and sound which officially opened the Yuletide in the City of Pines. Hundreds lined the city’s main thoroughfares Thursday evening to witness the symbolic lighting of the city Christmas tree which kicked...

CONCRETE PLANT COMPLIED WITH DENR-RECOMMENDED MITIGATING MEASURES

CONCRETE PLANT COMPLIED WITH DENR-RECOMMENDED MITIGATING MEASURES

BAGUIO CITY (November 28, 2022) -- Triple A public works contractor Phesco Inc., operating a concrete batching plant in Sablan, Benguet, insists it has instituted mitigating measures averting earlier complaints of concrete spillages into the drainage system in sitio...

TATLONG MAGKAIBIGAN ARESTADO SA KASONG PANGGAGAHASA SA KALINGA

RIZAL, Kalinga - Tatlong magkakaibigan na pawang sangkot sa panggagahasa noong 2011, ang inaresto ng mga tauhan ng Rizal Municipal Police Station, dakong alas-5:20 ng hapon, habang naghihintay ng bus papuntang Tuguegarao City sa junction ng Barangay Liwan. Kanluran,...

DEPAP

DEPAP

Men from the 13 municipalities of Benguet participate in the traditional pig catching as part of the Grand Canao event of the 122nd Benguet Foundation Anniversary thru the Adivay Festival at the Benguet Sports Complex on Wednesday. November 23, 2022. RMC PIA-CAR

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Amianan Balita Ngayon

Pin It on Pinterest