DOH-CAR namigay ng treated curtains laban sa dengue

LUNGSOD NG BAGUIO – Namigay ang Department of Health
Cordillera Administrative Region (DOH-CAR) ng mga kurtinang may insecticide sa mga lugar na mataas ang insidente ng dengue para maiwasan ang pagkalat nito.
“We have distributed rolls and rolls of treated curtain, volumes in high-risk areas with high cases. The central office’s augmentation for more long lasting insecticide-laden nets has been also relayed,” ani DOH-CAR acting regional director Amelita Pangilinan sa isang panayam noong Lunes.
Tatagal ang mga kurtina ng apat hanggang limang taon at hindi dapat labhan dahil mawawala ang epektibo nito ng 20 porsiyento, aniya. “Pagpagin lang ito,” ani Pangilinan.
Sa paglalagay ng treated nets sa mga bintana at pintuan ay mamamatay agad ang mga lamok sa oras na dumapo sa net.
Sinabi ni Pangilinan na nag-iba ang ugali ng mga lamok sa pagkagat at ang mga lamok na nagdadala ng dengue ay nangangagat na anumang oras ng araw.
“Mosquitoes should be our number one enemies. They do not only cause dengue but also Zika, Japanese encephalitis, and chikungunya,” ani Pangilinan.
Sinabi niya na ang pinakamabuting paraan upang mawala ang mga lamok ay tanggalin ang mga lugar na pinamumugaran nila dahil ang
dengue virus ay naging buong taon ng sakit.
“It used to be kasi na may (that there is a) cyclical occurrence ang (the) dengue but as early as January up to the last day of December that there are cases and the most common denominator seen or the risk factor are the breeding sites of mosquitoes,” aniya.
Para sa mga eskwelahan ay sumulat ang DOH sa Department of Education na payagan ang mga estudyante na huwag magsuot ng palda kundi magsuot ng pantalon para sa proteksiyon.
Iniulat ng regional Epidemiology Surveillance Unit (RESU) ng DOH na nakapagtala ang rehiyon ng 2,025 kaso ng dengue mula Enero 1 hanggang Hunyo 1 ng taong ito, na 53 porsiyentong pagtaas kumpara sa parehong panahon noong 2018.
Nangunguna ang Benguet sa bilang ng kaso na may 441, katumbas ang 66 porsiyentong pagtaas mula sa 266 na naitala sa probinsiya noong 2018.
May dalawang pagkamatay ang naitala sa nasabing panahon. Pumangalawa ang Apayao na may 434 kaso ngayong taon
katumbas ang 271 porsiyentong pagtaas mula sa 177 insidente ng
dengue noong 2018.
Ang Apayao ang pinakamatinding tinamaan ng El Niño at nag-imbak ang mga residente ng tubig na maaaring maging pamugaran ng mga lamok.
May 221 kaso ang Ifugao kumpara sa 37 noong nakaraang taon; ang Kalinga naman ay may 170 kumpara sa 304 noong 2018; naitala naman sa Mountain Province ang 143 kaso kumpara noong
nakaraang taon na 36; sa Abra, 131 kaso kumpara sa 165 noong 2018; at ang Baguio City ay may 101 kaso na mas mababa sa 138 na naitala noong nakaraang taon.
Apat na pagkamatay ang naitala sa nasabing panahon – dalawa sa Benguet, isa sa Mountain Province at isang pasyente mula sa ibang probinsiya na hindi sa Cordillera. Noong 2018 ay may tatlong pagkamatay – tig-isa sa Baguio at Benguet at isa na hindi taga Cordillera.
Sa bilang ng mga pangunahing ospital na nag-ooperate sa rehiyon sa pangunguna ng Baguio General Hospital at Medical Center (BGHMC), ilang pasyente mula sa karatig Rehiyon 1 ay umaakyat sa rehiyon at dumagdag ng 348 kaso sa datos ng rehiyon.
Pinapayuhan din ang publiko na maging mapagmasid lalo na sa panahon ng tag-ulan kung saan naiipon ang tubig at maaaring pamugaran ng mga lamok.
Hinimok ni Alexander Baday, isang entomologist ng DOH ang publiko na sundin ang 4-S upang maiwasan ang dengue – “Search and Destroy; Self-Protection Measures; Seek Early Consultation; and Say No to Indiscriminate Fogging”.
 
AGR-PNA/PMCJr.-ABN

Amianan Balita Ngayon