Empleyado ng NCIP tinarget, patay

BANGUED, Abra – Masusing ini-imbestigahan ngayon ng pulisya ang pagpatay ng hinihinalang hired killer sa isang empleyado ng National Indigenous Peoples (NCIP) sa bayan ng La Paz, Abra.
Kinilala ang biktima na si Crispin Aquino Abbago, 43, married, ng Barangay Calaba, Bangued, Abra.
Sa inisyal na imbestigasyon ng La Paz Municipal Police Station, dakong alas 9:00 ng gabi ng Biyernes, Abril 12 naganap ang krimen sa Barangay San Gregorio, La Paz, Abra, habang isinasara ng biktima ang kitchen door ng tindahan, nang biglang umalingawngaw ang putok ng baril.
Tinatayang naka-posisyon ang salarin sa likuran ng barbed wire fence na may limang metro ang layo sa pag-target nito sa biktima.
Ang biktima ay nagtamo ng multiple gunshot sa iba’t ibang parte ng katawan nito. Naisugod siya sa ng kanyang kapatid sa Abra Provincial Hospital, Bangued, Abra, subalit idineklara itong
dead on arrival ni attending physician Felino Q. Burgos.
Sa isinagawang proseso sa crime scene ng Abra Crime Laboratory, narekober nila ang apat na fired cartridge mula sa caliber 5.56 mm at isa sa mga bala nito ay metallic fragment.
Hindi pa matukoy ng pulisya ang motibo sa pamamaslang, na ngayon ay masusi nang ini-imbestigahan.
 
Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon