Pagkumpuni ng kapitolyo ng Benguet, inumpisahan

LA TRINIDAD, Benguet – Nag-umpisa na ang pagaayos sa gusali ng kapitolyo ng Benguet noong Marso 1, 2019 na inaasahang matatapos sa Pebrero 2020.
Ang probinsiya ng Benguet ay naglaan ng P140M para sa kabuuan ng proyektong ito.
Ayon kay Provincial Architect II Ariz Pangaliman, ang unang yugto nito ay ang paggawa ng parking space na may P43M badyet at inaasahang matatapos sa Pebrero ng susunod na taon.
Ang pangalawang yugto ay ang paggawa ng rampa para sa mga may kapansanan, elevator, at isang view deck na may P57M badyet, ani Pangaliman.
Sinabi din niya na ang yugtong ito ay matatapos sa loob lamang ng walong buwan.
Ang pangatlong yugto na may P40M na badyet ay gagamitin para sa kung ano man ang kakulangan sa mga naunang proyekto na may kinalaman sa pagkumpuni ng gusali ng kapitolyo.
 
Kim Nicole Gan, UB Intern/ABN

Amianan Balita Ngayon