FARMER NA GUMAHASA SA STEPDAUGHTER NADAKIP SA ILOCOS NORTE

CAMP BGEN OSCAR M FLORENDO, La Union

Kalaboso ngayon sa kulungan ang isang magsasaka na umano’y nang-rape sa kanyang teenager
stepdaughter nang maraming beses sa loob ng limang taon, matapos maakip ito sa Barangay Ang Sto. Tomas, Sarat, Ilocos Norte, noong Pebrero 1. Kinilala ni Col. Julius Suriben,provincial director ng Ilocos Norte Provincial Police Office ang nadakip na si Brian Doroni Sebastian,40, may asawa, magsasaka, at residente ng Barangay Ang Sto. Tomas, Sarat, Ilocos Norte. Ayon kay Suriben, si
Sebastian ay nakatala bilang No.1 Regional Top Most Wanted Person sa kasong panggagahasa.

Dinakip ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Dinah Myrtle Morales Pacquing, ng Branch 11,Regional Trial Court,Laoag City, Ilocos Norte na inisyu noong Enero 30,2023, na may
tatlong kasong kriminal sa krimeng panggagahasa. Ang korte ay nagbigay ng piyansa na P200,000.00 para sa krimen ng sexual assault para sa kanyang pansamantalang kalayaan, habang walang piyansa ang inirekomenda para sa dalawang kaso ng statutory rape sa ilalim ng Artikulo 266-A ng Revised Pnal Code. Ang nasabing pagpapatupad ng Warrant of Arrest ay isinagawa sa
pamamagitan ng pinagsamang pagsisikap ng Provincial Special Enforcement Team, INPPO at Sarrat MPS.

Labis na pinuri naman ni Brig.Gen.Jon Chua, regional director ng Police Regional Office-1 ang mga arresting teams sa maagang pagkakadakip ng suspek para mabigyan ng hustisya sa pangaabuso nito sa biktima. “Tulad ng paulit-ulit nating sinasabi, ang pag-aresto sa mga kriminal na ito ay dalawang beses na tagumpay. Una, inaalis natin ang kanilang mga pagkakataon na gumawa ng
pareho o mas malalalim na krimen, at pangalawa, binibigyan natin ng hustisya ang mga nagawa nilang mali at nasaktan,” pahayag ni Chua.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon