GEN. AZURIN PINANGUNAHAN ANG GROUNDBREAKING NG ITATAYONG COMPAC SA LA UNION

PUGO, La Union

Pinangunahan ni Chief PNP General Rodolfo Azurin,Jr., ang groundbreaking ceremony ng itatayong twostorey Community Police Assistance Centers (COMPAC) sa Barangay Cuenca,Pugo,La
Union,noong Enero 12. “Very timely at maganda ang lokasyon ng Compac na ito na malaki ang maitutulong sa mga karatig-barangay at magiging mabilis na pagresponde ng ating kapulisan sa
anumang insidente,”pahayag no Azurin.

Aniya, hindi lamang mga residente ang makikinabang sa Compac na ito, kundi ang maging mga motorista na dumadaan patungong siyudad ng Baguio. “Ang buong PNP ay nagpapasalamat sa mga
ganitong programa para sa peace and order at serbisyo sa mga mamamayan.Nagpapasalamat din tayo sa mga opisyales ng Pugo municipal government at sa mga opisyales ng barangay na nagkaisa para sa katuparan ng proyektong ito,: pahayag pa ni Azurin.

Sa pondong P3.5 milyon, na ang P3 milyon ay sasagutin ng PNP at ang P500 ay sa local government, ay inako na ni Azurin ang kabuuang halaga at kung may kakulangan pa ay handang punuan ito. Sana bago kami mag-retiro sa serbisyo ay matapos ito at makabalik para sa blessing at ito ay isang munting regalo naming sa aming superior na si retired Lt.Gen.Eugene Martin, na
tumulong sa amin noong junior officier pa lang ako,” dagdag pa ni Azurin.

Malaki din ang pasalamat ni Mayor Kurt Walter Martin sa mabilis na aksyon ni Azurin sa kanilang kahilinngan na magkaroon ng Compac sa lugar. “Very strategic yong pagtatayuan ng Compac na
malaki ang maitutulong sa peace and order at agarang pagresponde sa mga barangay ng Saytan,San Luis,Maosaoas Norte at hindi na manggagaling pa sa munisipyo ang responde ng pulis na masyadong malayo,” pahayag ni Martin.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon