Giyera kontra Dengue patuloy pa rin

Metro BLISTT

LUNGSOD NG BAGUIO – Ilang mga barangay ang nagpatuloy sa Denguerra (giyera kontra Dengue) noong Huwebes sa kabila ng takot ng mga aftershock dulot ng lindol noong Miyerkoles. Ayon kay Health Services Office (HSO) Sanitary Inspection Division head Engr. Charles Carame, ang intensive search and destroy ay mga household at barangay-based, sa pagsusumikap na mabawasan ang mga kaso ng Dengue; at walang tulong mula sa ibang grupo.

Karamihan ng mga ahensiya ay masigasig sa search and destroy na piniling manatili matapos ang intensity 7.0 na lindol na nagmula sa isang Abra faultline.

Sa management committee meeting noong umaga ng Martes ay iniulat ni HSO head Dr. Rowena Galpo na 64 barangay ang may clustered Dengue cases, mula 53 isang linggo ang nakaraan. Hanggang Hulyo 25, may 25 bagong mga kaso; at 1,257 mga kaso na may dalawang namatay kumpara sa 641 ng parehong peryodo ng nakaraang taon. Gayunman, noong nakaraang taon, may anim na namatay.

Sinabi ni Dr. Galpo na mayroong down trend ng mga kaso ng Dengue dahil may 184 mga kaso sa week 26 na nagtapos noong Hulyo 2; sa week 27 ay may 174 mga kaso; week 28 ay 157 mga kaso; at week 29 na may 117 mga kaso.

May pagbaba sa mga kaso matapos ang mahigit isang buwan ng Denguerra; ang masidhing paghahanao at pagsira sa mga lugar na pamugaran ng mga lamok ay nanghulugan na epektibo ang aktibidad.

Ang pagkolekta ng mga gamit nang gulong ng General Services Office, na nakitang lugar na pamugaran ng mga lamok ay umabot sa 2,420 mula sa 43 barangay.

Sa obserbasyon sa mababang mga kaso ng Dengue at ilang breeding sites sa ilang barangay, masasabing dahil ito sa mabuting lokal na liderato; pamamahala, pagmonitor at regular na paglilinis sa mga barangay; partisiparyon ng mga opisyal ng barangay at kahit ang mga benepisaryo ng TUPAD ay nagsasagawa ng masidhing paghahanap, pagsira at Oplan Taob.

Binaggit ni Mayor Benjamin Magalong na ang mga barangay na may good practices sa pagpapababa o hindi pagkakaroon ng mga kaso ng Dengue ay pararangalan sa regular na flag raising ceremony ng city hall.

(JGF-PIO/PMCJr.-ABN)