Giyera sa Marawi, magtatagal pa kaya?

Jul 16, 2017

Malapit na ang pagtatapos ng 60-days simula nang ideklara ni Pres. Duterte ang Martial Law sa Mindanao. Ang pagkatig dito ng Korte Suprema kamakailan ay hindi maaaring sandalan upang dagdagan pa ang araw ng batas-militar. Dapat dumaan muli sa legal na proseso. Yan ang tapik ng mga legal na luminario lalo na ang kongreso. Kaya’t bago sumapit ang Hulyo 23, dapat may basbas na ang mga mambabatas (kung may hiling) sa maaaring pagpapatuloy pa nito sa buong Mindanao. Maraming pabor, marami ring kontra. May nagsabi ring sa Marawi na lang sana ang batas-militar. Meron ding nagsabing dapat ay limang taon na lamang. Pero ang konkretong dahilan kung bakit nakararami (as per survey) ang botong dapat i-extend pa ang Martial Law ay ang nagaganap pa ring giyera sa Marawi. Sa tingin nila, parang magtatagal pa ang giyera dahil may nagtatago pang mga terorista na may hawak na mga bihag na sibilyan. Hindi basta-basta bombahin na lamang agad ang kanilang kinalalagyan dahil tiyak madadawit ang mga pobreng bihag. Kaya ang tanong: kailan matatapos ang giyera?

******
Kamakailan sa isang okasyon, may daplis ang Pangulong Digong na matatapos na ang giyera sa Marawi sa loob ng labing-limang araw. Na ang ibig sabihin, itotodo na ng puwersa-militar (with PNP) ang pagpulbos sa mga terorista. Tiyak hindi na lang sniper vs. sniper ang labanan. Sasabay din ang air-strikes. Ang masakit ay ang nangyari kamakailan na resulta ng isang friendly fire kung saan dalawang sundalo ang namatay at labing-isa ang sugatan. Hindi sinasadyang nabagsakan ng bomba sa airstrikes ang isang lugar kung saan naroroon ang mga sundalo ng gobyerno. Kung sakaling todo-todo na ang upakan, may pangambang baka maulit ito. Ito na kasi ang pangalawang friendly fire dahil sa sumablay na pagbomba. Idagdag mo pa na may hawak pang mga bihag ang Maute-Isis group. Ang di lang natin alam, baka naman ang mga bihag ay pupuwersahing armasan at lumaban. Ang nakakatakot ay kung hindi sila susunod ay baka sila’y pupugutan. Laman kasi ng salaysay ng isang nahuling menor de edad na miyembro ng Maute na ang isang pagsubok sa kanila bago sila maging regular sa Maute, kinakailangang mamugot muna sila ng ulo. Sus maryusep!

******
Mahigit sa apat na raan na ang mga armas ng Maute ang narekober ng mga military sa mahigit sa apatnapung araw ng bakbakan. Marami sa mga armas na ito ay high powered. Saan galing ang mga armas na ito? Hindi raw basta-basta naipapasok sa Marawi ang daming armas na ito dahil masisita. Ibig sabihin, mahabang panahon nang naghanda itong Maute. Marami na silang imbak na armas at amyunisyon kaya di sila umaatras. Mahigit sa tatlong daang terorista na ang patay, mahigit sa otsenta naman sa government force at 39 sibilyan. May pangamba pang madaragdagan ang casualties sa mga susunod na araw. Halos durog na durog na ang mga kabahayan sa sentro na siyudad pero tuloy pa rin ang bakbakan araw at gabi, umulan man o umaraw. Kaya sa tingin ng marami, baka magtatagal pa ang labanan. Ang masakit, kung lilipat ang mga nakalusot na terorista sa ibang lugar at doon muli maghahasik ng kaguluhan. Marami pa ang magbubuwis ng buhay. Darami pa ang bilang ng mga mawawalan ng tirahan at ari-arian. Pag nagkataon, tatagal pa nga ang Martial Law sa Mindanao. Idalangin na lang natin na sana matapos na ang kaguluhan sa madaling panahon. Adios mi amor, ciao, mabalos!

RELATED POSTS

QUITE UNDERSTANDABLE

Senator Loren Legarda is a champion of several causes including that of preserving and protecting the environment and promoting livelihood...

SINGKWENTA

On the day of commemoration of Martial Law, I decided to be poetic and cryptic, posting on my social media an allusion to the sinister...

URONG SULUNG

TILA BANTULOT ang mamamayan na alisin ang facemask sa kanilang mga mukha kapag nasa outdoor setting. Nitong mga huling araw, habang...

LATEST NEWS

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

BAGUIO CITY (September 26, 2022)—Typhoon "Karding" did not directly hit the highland Cordillera though some 139 families in four provinces sought refuge to safer grounds, the social welfare department said. In Abra, 47 families consisting of 156 individuals were...

5 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO, ABRA

CAMP DANGWA, Benguet -- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang drug personalities matapos silang arestuhin sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City at Abra noong...

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor Benjamin Magalong, SM Assistant Vice President of Operations SM North 1 Jansenn Pe and SM Mall Manager Rona Correa led the unveiling...

PANGASINAN MANGPATAUD ITI SALT CENTER PARA PANAGSIRARAK, PRODUKSION

LINGAYEN, Pangasinan -Asidegen a mangipasdek iti probinsia a gobierno ti Pangasinan iti maysa a salt center iti probinsia tapno mapasayaat iti panagsirarak ken kamaudiananna iti produksion iti asin nga isut naggapuanan iti nagan ti probinsia. Iti maysa nga interbiu...

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

Affirming the Provincial Government of La Union’s support to the Philippine National Police’s commitment in securing a peaceful and orderly province, Gov. Raphaelle Veronica “Rafy” Ortega-David graced the 121st Police Service Anniversary celebration of the La Union...

DEVELOPERS MEET, DISCUSS SOLUTIONS FOR THE COUNTRY’S HOUSING INDUSTRY

As of 2017 , housing backlog estimated at 6.7 million ; developers target building two million for 2022 Every Filipino family aspires owning a home. Years, the Subdivision and Housing Developers Association, Inc. (SHDA) has relentlessly been trying to make that dream...

FACE MASK BOLUNTARYO NA ANG PAGGAMIT SA BAGUIO

BAGUIO CITY – Sa mga naasiwa na sa paggamit ng facemask ay nagbigay na ng signal si Mayor Benjamin Magalong at ang city council sa pamamagitan ng naaprubahang resolusyon na puwede ng hindi mag face mask o’ boluntaryo na lamang ang paggamit nito sa mga outdoor setting...

ADOPTED SON

ADOPTED SON

Iginawad ng provincial government ng Kalinga ang mataas na pagkilala kay PNP Chief Gen.Rodolfo Azurin,Jr., bilang adopted son ng Kalinga at pinangalanang "Inchakas" sa kanyang pagbisita sa lalawigan noong Setyembre 15, Photo by Kalinga PPO/ABN

MANNALON TI ILOCOS NORTE AGAPIT MANIPUD RICE HYBRID PROJECT

SUIDAD TI LAOAG, Ilocos Norte-Dagiti mannalon a nalipaset iti maysa a 160- hectare hybrid rice cluster technology demonstration project sadiay Ilocos Norte ket agapiten iti mulada inton sumaruno a lawas. Ipalgak dagiti nadumaduma a teknolohia ti panangpataud iti bagas...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Pin It on Pinterest