Gobyerno hinimok na ideklara ang ‘state of calamity’ para sa El Nino

BANGUED, Abra – Hiniling ni dating presidential political adviser Francis Tolentino sa National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) na ideklara ang isang state of calamity na magbibigay access sa kanila sa calamity funds para sa mga aktibidad upang mabawasan ang epekto ng El Nino o tagtuyot.
“I strongly urge that a state of calamity in the country be declared as early as now so that the calamity funds can start to be utilized for the preparation,” ani Tolentino sa ginanap na campaign rally ditokamakailan.
Kasami ni Tolentino ang mga senatorial candidate ng Partido Demokratiko Pilipino (PDP) na kinabibilangan ng retiradong Police General na si Ronald “Bato” dela Rosa, Dong Mangudadatu, re-electionist senator Aquilino “Koko” Pimentel at dating Special Assistant to the President na si Christopher Lawrence “Bong” Go.
Dumalo din sa nasabing kampanya ang mga partymate sa local level mula Cordillera at Ilocos region kung saan mismong si Pangulong Rodrigo R. Duterte ang nanguna sa grupo.
Ang El NiÆo ay banta sa mga sakahan na kalauna’y makakaapekto sa suplay ng pagkain sa bansa, kaya kailangan ng bansa na magkaroon ng mga hakbang sa taong ito, ani Tolentino.
“Farms have started to dry up and the water level in irrigation facilities have now lowered- affecting farmlands and plantations,” dagdag niya.
Sinabi ni Tolentino na ang paghahanda ay nananatiling solusyon sa anumang kalamidad na siya ring isinusulong ng dating hepe ng Metro Manila Development Authority bilang campaign
program niya.
Sinabi pa niya na kung mabibigyan siya ng pagkakataon sa Senado ay nais niyang itaas ang 5 porsiyentong mandatory calamity fund sa 15 porsiyento at maglaan ng malaking bahagi para sa kahandaan.
Dagdag pa ni Tolentino na bahagi ng paghahanda ay ang preparasyon ng mga sakahan at magsasaka sa mga napipintong kalamidad.
“We have two agricultural failures: encouraging the children to engage in farming and addressing the aging population of farmers. The average age of farmers is 65,” ani Tolentino. “Palakasin natin ang agrikultura (Let us boost the country’s agriculture),” aniya.
Isa ang agrikultura sa mga prayoridad ng administrasyon ni Pangulong Duterte. Hiniling din ni Tolentino sa mga tao na ipagpatuloy ang suporta sa Pangulo tungo sa paglamit ng mga prayoridad ng administrasyon na nakatutok sa pagpapaganda ng buhay ng tao.
“Tulungan natin si Pangulong Duterte, tulungan natin ang PDP (Let us help President Duterte, let us help the PDP),” aniya.
 
PNA/ABN

Amianan Balita Ngayon