Grupo ng Restobar nangako ng suporta sa pagsisikap ng lungsod sa anti-COVID, HIV

LUNGSOD NG BAGUIO – “We don’t tolerate these kinds of bar establishments operating in Baguio that continue to violate rules and city ordinances. Ito ang metatag na deklarasyon ni Allan Bandoy, presidente ng Baguio Association of Bars and Entertainers (BABES) sa isinagawang flag-raising rites sa City Hall noong Disyembre 13, sa harap ng mga lokal na opisyal, mga empleyado at mga bisita sa pangunguna ni Mayor Benjamin Magalong.
Binigyan-diin niya na ang kanilang asosasyon ay isang honorary member ng Aids Watch Council (AWAC), ay hindi kinukunsinte ang mga may-ari ng local bar na lumalabag sa mga ordinansa at coronavirus disease 2019 (Covid-19) health protocols ng lungsod.
“I would even recommend these bar establishments for the revocations of their permits, and it’s going to be a lesson for other establishments na sana wag na nila tularan, “ ani Bandoy na ibinahagi niya ang paghihirap ng mga operator ng mga panggabing establisimiyento, sa panahon ng pandemya lalo na ang kanilang mga empleyado na marami sa kanila ay kinailangang pakawalan.
Sinabi niya na noong 2019 bago umatake ang Covid-19 ay mayroong 1,400 entertainers ang BABES at nasa 264 bars at iba pang establisimiyento. Sa ngayon, 88 lamang na restobars ang nag-ooperate, dagdag ni Bandoy.
Umaasa siya ng mas maraming restobar ang magbubukas sa susunod na taon sa pagluluwag ng mga restriksiyon sa Covid-19 at humihiling sa pamahalaang lungsod ng kahit anong uri ng tulong na magpapasigla sa pagbawi ng asosasyon upang makapagbigay ng kinakailang trabaho.
Nangako rin si Bandoy sa mahigpit na pagsunod ng grupo sa IATF rules at local regulations kabilang ang tuloy-tuloy na suporta nito sa kampanya upang makamit ang isang HIV-free city.
(GPK-PIO/PMCJr.-ABN)

Amianan Balita Ngayon