Waste to energy project ibabalik sa bayan ng Benguet

LUNGSOD NG BAGUIO – Ang lugar para sa panukalang multi-billion waste to energy project ng isang renewable energy corporation ay ibabalik sa bayan ng Sablan matapos magkasundo ang komunidad at mga opisyal ng munisipiyo na ang munisipalidad ang magiging host ng nasabing pasilidad.
Sinabi ni Mayor Benjamin Magalong na ang desisyon ng mga opisyal ng Sablan at komunidad na payagan ang waste to energy project na
magpatuloy sa munisipalidad ay isang magandang pangyayari na makakatulong sa mga lokal na gobyerno ng Baguio-La Trinidad-Itogon-Sablan-Tuba- Tublay BLISTT) upang permanenteng matugunan ang kanilang kasalukuyang mga problema sa pagtatapon ng basura.
Gayunman, sinabi niya na ang barangay captain ng panukalang barangay kung saan itatayo ang pasilidad ay tumututol sa proyekto kaya may mga pagsisikap na ginagawa upang maresolba ang di-pagkakasundo.
Nauna dito ay inialok ng pamahalaang lungsod sa proponent ng waste to energy project, ang Metro Global Renewable Corporation, ang isang bahagi ng 139-ektarya ng pag-aari ng lungsod sa Mount Sto. Tomas bilang posibleng ugar para sa pasilidad matapos naunang magpadala ang mga opisyal ng Sablan ng halohalong reaksiyon sa panukala para maging host ang munisipalidad ng nasabing proyekto.
Ang panukalang waste to energy plant ay nadisenyo na i-convert ang tinatayang 500 tonelada ng halo-halong basura sa 10 megawatts ng malinis na enerhiya araw-araw gamit ang pinakabagong teknolohiya na sinasabing maka-kalikasan.
Sa ngayon, kasalukuyang hinahakot ng mga lokal na gobyerno ng BLISTT ang kanilang generated residual waste mula sa mga lugar ng kanilang nasasakupan sa Capas engineered sanitary landfill ng Metro Clark Waste Management Corporation.
Plano ng Metro Global Renewable Corporation na itayo ang waste to energy plant sa loob ng isang pribadong lupa sa Sablan upang tulungan ang mga lokal na gobyerno na permanenteng tugunan ang kasalukyang mga problema sa pagtatapon ng basura na matutunton pabalik higit isang dekada na.
Sa panimula, nagsagawa rin ang proponent ng isang ocular inspection sa isang bahagi ng pag-aari ng lungsod sa Mount Sto. Tomas at nakita
ang pangangailangan sa konstruksiyon ng isang daan patungo sa lugar kung saan itatayo ang psilidad na isang karagdagang gastos.
Isa pang lugar ang tinukoy ng lokal na gobyerno ay sa isang bahagi ng pag-aari na isinuko ng Department of Agriculture sa lungsod. Sa ilalim ng mahahalagang probisyon ng Republic Act (RA) 9003 o ang Ecological Solid Waste Management Act of 2000, lahat ng lokal na gobyerno ay inuutusan na isara ang operasyon ng kanikanilang open dumpsites at magtatag ng sarili nilang engineered sanitary landfills o controlled dump facilities para sa proteksiyon ng kalusugan ng mga tao at estado ng kapaligiran sa kanilang mga lugar na nasasakop.
Isa pa, ang clustered waste disposal facilities na nagsisilbi sa garbage disposal requirements ng local governments kitang-kita sa bawat isa ay hinihikayat na i-maximize ang paggamit ng land holdings sa kani-kanilang lugar.
(DAS-PIO/PMCJr.-ABN)

Amianan Balita Ngayon