Hauling ng basura pa rin ang mainam – Domogan

Jul 2, 2017

Iginiit ni Mayor Mauricio G. Domogan na ang pansamantalang hauling ng residual waste ng lungsod papunta sa Capas sanitary landfill ang nananatiling pinakamainam na paraan para maiwasan ang posibleng krisis sa basura habang naghahanap ng pangmatagalang solusyon ang lokal na pamahalaan sa matagal nang problema sa basura.
Aniya, sa kanyang administrasyon ay napababa ang hauling cost mula sa P3,200 per ton sa mahigit P1,400 per ton na lamang.
“It will be far more expensive if it will be the local government that will do the hauling of garbage at source and then haul it to the Capas landfill. It is still best that we have qualified haulers who have waste transfer stations to haul the city’s residual waste to the accredited landfill,” saad ni Domogan.
Inamin ng mayor na kung ang pamahalaang lokal ang magsasagawa ng hauling ay hindi sasapat ang garbage trucks na magdadala ng basura papunta sa accredited landfill. Kaya kailangan ng lungsod na bumili pa ng 15 na garbage trucks na pandagdag sa kasalukuyang ginagamit ng lungsod upang may magamit na trucks na para lamang sa hauling ng basura paalis ng lungsod.
Aniya, kailangan din ng lokal na gobyerno na mag-invest sa pagdaragdag ng tauhan na magtatrabaho sa mga trucks na bibilhin. Ito ay maaaring magtagal pa dahil sa requirements ng pagkuha ng bagong empleyado na pinalala pa ng 45 percent prescribed limit para sa personal services na nakasaad sa probisyon ng Local Government Code of the Philippines.
Sa ngayon ay may 155 tons na residual waste ng lungsod ang dinadala mula sa waste transfer station ng hauler papunta sa Capas sanitary landfill.
Paliwanag ni Domogan na hindi makapag-relax ang gobyerno sa pagtugon sa lumalaking bulto ng basura na nalilikha ng mga residente ng lungsod at mga bisita. Kaya ginawa nitong requirement sa pagpili ng hauler ang pagkakaroon ng waste transfer station na akreditado ng environment and natural resources department.
Ani Domogan, ang kompetisyon sa pagitan ng haulers ay pinapasigla ng kung sino ang may kakayahan na magbigay ng pinakamainam na alok. Ang M.A. Camilo freight services ang laging nangingibabaw na qualified hauler dahil sa pagkakaroon nito ng registered at accredited waste transfer station, nakinukwestyon naman ng mga residente.
Binigyang-diin ng mayor na ang iba pang interesadong hauler na nais patalsikin ang kasalukuyang hauler ng lungsod ay maaaring makilahok sa bidding ng hauling services kung ang sole proprietor o ang kompanya ay may waste transfer station na akreditado ng environment department. Baguio PIO / ABN

RELATED POSTS

COURTESY CALL

COURTESY CALL

Hon. Jose Warren P. Villa, Vice Mayor San Juan City, Metro Manila paid a courtesy call to Baguio City acting Mayor Faustino A. Olowan at...

URBAN SKETCHING

URBAN SKETCHING

The two artists in the Session: SketchTour of Baguio on September 30 are Aurelio Castro III, sitting and sketching, in conversation with...

PART AT YOUR OWN RISK

PART AT YOUR OWN RISK

-diggings of sewerage projects along Kisad Road cause traffic problems to motorists due lack of road signs Carlos C. Meneses/ABN

AMIANAN POLICE PATROL

4 police commissioned officers nakakuha ng mataas na posisyon sa PROCOR BAGUIO CITY – Apat na police commissioned assumed key positions at...

LATEST NEWS

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

BAGUIO CITY (September 26, 2022)—Typhoon "Karding" did not directly hit the highland Cordillera though some 139 families in four provinces sought refuge to safer grounds, the social welfare department said. In Abra, 47 families consisting of 156 individuals were...

5 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO, ABRA

CAMP DANGWA, Benguet -- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang drug personalities matapos silang arestuhin sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City at Abra noong...

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor Benjamin Magalong, SM Assistant Vice President of Operations SM North 1 Jansenn Pe and SM Mall Manager Rona Correa led the unveiling...

PANGASINAN MANGPATAUD ITI SALT CENTER PARA PANAGSIRARAK, PRODUKSION

LINGAYEN, Pangasinan -Asidegen a mangipasdek iti probinsia a gobierno ti Pangasinan iti maysa a salt center iti probinsia tapno mapasayaat iti panagsirarak ken kamaudiananna iti produksion iti asin nga isut naggapuanan iti nagan ti probinsia. Iti maysa nga interbiu...

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

Affirming the Provincial Government of La Union’s support to the Philippine National Police’s commitment in securing a peaceful and orderly province, Gov. Raphaelle Veronica “Rafy” Ortega-David graced the 121st Police Service Anniversary celebration of the La Union...

DEVELOPERS MEET, DISCUSS SOLUTIONS FOR THE COUNTRY’S HOUSING INDUSTRY

As of 2017 , housing backlog estimated at 6.7 million ; developers target building two million for 2022 Every Filipino family aspires owning a home. Years, the Subdivision and Housing Developers Association, Inc. (SHDA) has relentlessly been trying to make that dream...

FACE MASK BOLUNTARYO NA ANG PAGGAMIT SA BAGUIO

BAGUIO CITY – Sa mga naasiwa na sa paggamit ng facemask ay nagbigay na ng signal si Mayor Benjamin Magalong at ang city council sa pamamagitan ng naaprubahang resolusyon na puwede ng hindi mag face mask o’ boluntaryo na lamang ang paggamit nito sa mga outdoor setting...

ADOPTED SON

ADOPTED SON

Iginawad ng provincial government ng Kalinga ang mataas na pagkilala kay PNP Chief Gen.Rodolfo Azurin,Jr., bilang adopted son ng Kalinga at pinangalanang "Inchakas" sa kanyang pagbisita sa lalawigan noong Setyembre 15, Photo by Kalinga PPO/ABN

MANNALON TI ILOCOS NORTE AGAPIT MANIPUD RICE HYBRID PROJECT

SUIDAD TI LAOAG, Ilocos Norte-Dagiti mannalon a nalipaset iti maysa a 160- hectare hybrid rice cluster technology demonstration project sadiay Ilocos Norte ket agapiten iti mulada inton sumaruno a lawas. Ipalgak dagiti nadumaduma a teknolohia ti panangpataud iti bagas...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Pin It on Pinterest