Hiniling ng Jeepney Operators and Drivers Association sa lungsod na pagtuunan ng pansin ang matagal na nilang problema sa kanilang mga ruta na pinaparadahan na nagdudulot ng matinding trapik.
Dagdag pa nila, nagkukulang ang kanilang paradahan lalo na sa oras na nagkakasabay-sabay ang pila ng mga pasahero sa mga ruta partikular sa Kayang market na ito ang kadalasan na inirereklamo ng mga may-ari ng mga establisimyento na sa halip na parking area at nagagamit kapag may delivery ng kanilang produkto ay sinasakop na paradahan ng jeep.
Ayon naman sa ilang driver na nakapanayam ng ABN, “Hindi naman lagi ganito ang sitwasyon na nagkakaron ng trapik, kapag rush hour lang na medyo bandang alas singko hanggang alas otso ay bahagyang matrapik na, kasi ito na ang uwian ng mga estudyante at ng mga nagma-market. Sumasabay rin dito ang ibang mga jeep na pampasahero at mga taxi, ganun din ang mga private vehicles, dahil iisa lang ang entrance dito sa Zandueta Street ay dito nagtitipon ang lahat.”
“Isa pang sanhi ay dito namin lahat ibinababa ang mga pasahero sa Kayang market, kaya kaming mga paparating ay di namin minsan alam kung saan kami maghihintay na ipaparada ang sasakyan habang may laman pa ang parking route namin,” saad ng driver na may rutang Quezon Hill.
Samantala, pinapaalis na rin ang mga sasakyang nakahambalang sa mga parking na hindi na ginagamit o mga sasakyang na ipinare-repair, upang magkaron din ng space ang mga jeepney na makapagparada.
Nililimitahan din ng oras ang pagpaparada ng kanilang sasakyan sa mga may pwesto na nagnenegosyo.
Sinabi ni Baguio City Police Office city director PSSupt. Ramil Saculles, “Ito ang madalas naming tinututukan kapag nasa rush hour na, at dahil nga tumatataas ang volume ng vehicles dito sa lungsod, napansin nga namin na kapag nagsabay-sabay ang pasok ng mga sasakyang ruta ng Fairview, San Carlos, Quezon Hill, Dominican-Lourdes at Guisad PUJs ay dito nagkakaron ng trapik, isabay pa natin ang ilang taxi at ilang private vehicles, kaya talagang hindi maiwasan ang mga ganitong sitwasyon. Marapatin na pag-aaralan natin ito para ma-implement na kung sakali para maibsan natin ang trapik sa nalalapit na Semana Santa.”
“Hindi naman tayo pwede magbawas ng mga jeepney na pampasahero dahil hanap-buhay rin ng ating mga kapatid na driver, ngunit sana ay sumunod tayo sa mga alituntunin na ipinatutupad ng batas trapiko, para sa atin din ito,” ani Saculles. ABN
March 18, 2017
March 18, 2017
October 5, 2024
October 5, 2024
October 5, 2024
October 5, 2024