Ipinakita ng mga batang ballerina mula sa iba’t ibang paaralan sa Luzon ang kanilang kariktan at husay sa pagsasayaw sa Rhythm of Hearts ballet concert na ginanap sa SM Baguio noong Marso 12, 2017.
Ayon kay Edwin E. Vicente, event organizer at instructor ng LORMA Basic Education School, ang programa ay para sa mga batang nangangarap maging ballet dancer.
Aniya, ang ballet ay isa sa pinakadisiplinadong pagsasayaw na nagpapakita ng malalim na emosyon, expression at pagmamahal sa kanta. “It’s a theatrical arts wherein you are communicating with people through movements, it’s like you are telling a story sa madaming tao,” saad niya.
“Not everybody can watch ballet na walang bayad. Malaki rin ang effect ng ballet sa mga bata kasi nade-develop ang kanilang self-steem, ang kanilang morale, lalo na sa mga nanay na nakikita nila ang kanilang anak na nagpe-perform,” pahayag ni Vicente.
Ang mga batang lumahok sa programa ay nagmula sa iba’t ibang paaralan na kinabibilangan ng Badio Elementary School ng Pinili, Holy Spirit Academy ng Laoag, at Subec Elementary School ng Pagudpud na pawang nasa Ilocos Norte; Saint Michael Archangel Learning Center, Lord of Zion Divine School, Zaragosa Elementary School, Cabaroan Elementary School, at Galongen Elementary School na pawang nasa Bacnotan, La Union; LORMA Basic Education School ng San Juan at Union Christian College Basic Education Schools ng San Fernando City na parehong nasa probinsya ng La Union; Blessed Children Integrated School ng Cabiao, Nueva Ecija; at Centro UMC Kiddie School ng Cagayan.
Nagkaroon ng ballet in musical form na sinayaw ng mga bata tulad ng Powder Puff, Perfume, Calling My Grandmother, My Dancing Bear at Mirror. Sa classical selection naman ay ang Les Fantasy, Lilac Fairy, Woodland, Blue Bird, Dancing with the Flute, Jewels, Ole at Angelika. Samantala, kasama naman sa mga sayaw Pinoy ang Palay sa Bukid, Mga Itik, Pagbati, Tinikling at Waltzing Girls.
Kasama rin ng mga bata ang school coordinators na sina Yolanda S. Clemente ng Holy Spirit Academy of Laoag, Joan O. Agtulay coordinator ng Cabaraoan Elementary School, Editha O. Abat ng Zaragosa Elementary School at Emely B. Caasi ng Union Christian College Basic Education School. Mula sa LORMA Basic Education School ay si coordinator Aurie C. Espero at mga facilitators Athela H. Ferrer, Lielanie M. Bacani at Maria Cecilia A. Bacani.
Bilang bahagi ng programa ay nagkaroon ng awarding para sa pagkapasok ng ibang ballet dancers sa Australian Teachers of Dancing (ATOD) International Ballet Examination na ginanap sa Singapore noong November 17, 2016. Sa test I level Classical Ballet nakapasok sina Precious Sheng O. Abat, Khloe Lizain L. Binlot, Jewel Denise F. Chan at Etidorpha Siuluj M. Suriben ng LORMA Basic Education School.
Nakapasok din sina Ashera Mhaxelyn V. Almirol, Aldrich Yuan V. Vergara, at Khyshan Kaye D. Orlanda ng Zaragosa Elementary School para sa test 3 level.
Si Angelika Isabel C. Dela Cruz na mula rin sa LORMA Basic Education School ang nakakuha ng markang Highly Commended para sa Bronze Medal sa Classical Ballet level.
Sa Bronze Star Classical Ballet level naman pumasok at nakakuha ng markang Honours Plus si Amerah Claire Perez ng LORMA Basic Education habang si Victoria Joy E. Lictaoa ng Saint Louis College ay nakakuha ng Honours sa Bronze Star Level.
Samantala, si Edle Joy C. Vicente ay pinarangalan sa markang Honours with Distinction sa Bronze Star classical ballet level na ginanap sa Hongkong noong April 9, 2016.
Sumayaw naman ang Hip Hop dancers mula sa LORMA High School. Jessalyn M. Soreno, UB Intern / ABN
March 18, 2017
March 18, 2017
September 13, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024