Kaunaunahang Ibaloi Festival, inilunsad

Lungsod ng Baguio – Ang pagpapalaganap sa mayamang agrikultura ng Benguet ang hangaring naghatid sa kauna-unahang Ibaloi Festival na inilunsad noong Biyernes, Marso 22 sa Burnham Park.

Maliiban sa nakaraang Ibaloi Day noong Pebrero 23, ang Ibaloi Festival ay ipagdiriwang para mas mabigyang pansin ang lahing Ibaloi.

Tampok ang iba’t ibang mga produkto ang ibabahagi ng mga exhibitors sa Ibaloi Festival.

Ayon kay Onjon ni Ivadoy president Franklin Cocoy, “This is to unify all Ibaloi not only in Baguio but also in Benguet and its surrounding areas, and we’re promoting this Ibaloi Festival a physical evidence that the organization is still alive, and we’re completing and expanding our membership”.

Dagdag rin ni Cocoy, “For our Benguet people, this is one of the avenues where they will showcase their products. Since marketing is an important aspect of our farmers, this is one opportunity where they will showcase their products”.

Layunin ng Onjon ni Ivadoy na maipakilala sa mga mamamayan ng Benguet ang pangmalawakang kalakalan ng mga produkto ng 13 Municipalities ng Benguet: ang Atok, Bakun, Bokod, Bugias, Itogon, Mankayan, Kabayan, Kapangan, Kibungan, Sablan, Tublay, La Trinidad at Tuba.

Gusto ring ipakita ng bayan ng Tuba ang kanilang ipinagmamalaking mga panananim upang mas makilala pa ito sa publiko.

Ayon kay La Diyang Haven manager Cristina Molintas-Tolero, “Tuba is an Ibaloi municipality that’s why we’re here and you cannot reach Baguio without passing Tuba Benguet”.

Dagdag pa ni Tolero na madami silang pwedeng maipagmalaking mga produkto gaya ng ava o gabi ice cream na bagong-bago sa panlasa ng mga tao sa Baguio, pati na din ang iba’t iba nilang pananim gaya ng ube, kalabasa, lemon, at ang ava o gabi.

Hindi din nila ninanais na makipag-kumpitensya sa Panagbenga Festival. Nais lamang ng iba’t ibang munisidad ng Benguet na mas bigyang-pansin ang agrikulturang hatid ng mga Ibaloi sapagkat ito ang kanilang ipinagmamalaking pangkabuhayan.

Ang Ibaloi Festival ay nagsimula noong Marso 22 at magtatapos sa Abril 22.

Jethro N. Faina, UB Intern/ABN

Amianan Balita Ngayon