Kennon Road sarado matapos ang 6.1 na lindol

LUNGSOD NG BAGUIO – Hindi bubuksan sa trapiko ang Kennon Road hanggang lumabas ang resulta ng assessment at inspection ng mga lokal na awtoridad dito, ito ang sinabi ng Office of Civil Defense-Cordillera Administrative Region (OCD-CAR) noong
Huwebes.
“Due to the 6.1 magnitude earthquake that jolted Region 3 (Central Luzon) and intensity 4 in Baguio City on April 22, the opening of Kennon Road during weekends is hereby suspended effective immediately,” nakasaad sa joint OCD and the Cordillera Disaster Risk Reduction Management Council (CDRRMC) Advisory No. 3 na inilabas noong April 25.
Sa mga nakaraang linggo, mula buwan ng Marso, ang Kennon Road ay regular na binubuksan sa mga magagaan na sasakayan na tumitimbang ng di hihigit sa limang tonelada mula 6 p.m. tuwing Biyernes hanggang 6 a.m. ng Lunes upang maibsan ang pagsisikip ng trapiko sa iba pang entry point papuntang Baguio.
“A thorough inspection will be conducted by the joint inter-agency task group Kennon Road before the temporary opening during weekends will resume,” sinabi ni OCD regional director and CDRRMC chairman Albert Mogol sa isang panayam.
Samatala ay hinimok ni OCD-CAR information officer Cyr Bagayao ang publiko na seryosong gawin ang earthquake drill.
Sinabi niya na maging matatag at handa sa pagdating ng lindol, kailangang malaman nila ang iba’t-ibang kaalaman kung paano gumalaw ng naaayon.
“We always tell the public to take the earthquake drill seriously and not just for compliance sake,” ani Bagayao sa isang hiwalay na panayam.
Sinabi niya na ang National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) sa pamamagitan ng lokal na DRRM council ay regular na nagsasagawa ng sabay-sabay na earthquake drill (NSED) upang maihanda ang publiko sa mga emergency.
“We do drills because we do not know when an earthquake will happen and familiarizing the people on what to do during an earthquake will prevent the loss of lives,” ani Bagayao.
“It takes practice to know the rules and the procedure by heart,” dagdag niya.
Pinayuhan din niya ang publiko na maging mahinahon, huwag magpanic at laging makibalita sa anumang update mula sa mga awtoridad.
Walang fake news.
Inudyukan din ni Bagayao ang publiko na iwasan ang pagkakalat ng maling balita at impormasyon na maaaring magdulot ng panic sa publiko.
Sinabi niya na dapat suriin muna ng bawat isa ang mga piraso ng impormasyon na natatanggap sa pagsisiyasat sa opisyal na media account ng mga opisina ng gobyerno bago i-share ito.
Sinabi niya na ang mga lindol ay hindi nahuhulaan at walang makapagsabi kung kailan ito mangyayari.
 
PNA/PMCJr/ABN

Amianan Balita Ngayon