BAGUIO CITY
Sa mga mamimili sa rice section ng Baguio City Public Market ay maisasakatuparan na nila ang paggamit ng “cashless” payment,makaraang ilunsad ang “Free Public WIFI System” na proyekto ng Project Lightning para sa mga market entrepreneurs,noong Marso 26. Ang Project Lightning ay naisagawa dalawang taon na ang nakalipas(2021) at ngayong 2023 ay nilikha nila ang proyektong “Free WIFI service” kasangga ang city government of Baguio at BENECO.
“ Four months ago, we launched the Palengke QR PH, na programa ng Department of Local Government and our Central Bank at napili ang ating siyudad as a pilot area but after 4 months, out of 3900 na vendors in the public market, lumalabas na 1,200 lang ang naka-register sa digital system o digital payment,” pahayag ni Mayor Benjamin Magalong. Nakitaan na isang problema ng mga market entrepreneurs ay ang kanilang mobile data kaya hindi nakapag-rehistro at agad nilang inaksyunan ito sa paraang magpatupad ng free WIFI.
“Kung yung ordinary phone natin dati rati ang bilis niyan is 5 megapix,this is much faster as such as 20 times or 30 times.” dagdag pa ni Magalong, Limited lamang ang pwedeng ma-access nito tulad ng Facebook, Messenger at Youtube. Isang taong kontrata ang binigay ng city government sa Project lightning kasama ang Free WIFI at pagkatapos ay magkakaroon ng renewal. Ang gagawin lamang ay buksan ang camera ng phone at i-scan ang code na nakikita sa tarpaulin na nakakalat sa loob ng market.
By: Francis Jay Alipio UB Intern
October 7, 2024
October 5, 2024
October 4, 2024
October 3, 2024
September 29, 2024