Lungsod ng Baguio sarado pa rin sa turismo

Upang mapawi ang takot na handang isaalang-alang ng Baguio ang kalusugan ng mga residente nito sa pagbuhay ng ekonomiyang nakadepende sa turismo ay idineklara ni Mayor Benjamin Magalong na nananatiling sarado ang lungsod hanggang masupil ng National Capital Region, Region III at Region IV ang pagkalat ng COVID-19.

Sa pagsubaybay ni Magalong sa presentasyon ni city tourism officer Aloysius Mapalo sa Baguio Visitors Management System’s (BVMS) sa paglatag ng mga istratehiya, kung at kalian magbubukas ang turismo na tinitingnan sa Setyembre ay binigyan-diin niya na, “almost 45-percent of tourists come from Regions 3, 4 and the country’s capital based on a survey on September 2018 to April 2019.”

Karamihan sa mga bisita ng lungsod ay mula saprobinsiya ng Aurora, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac and Zambales sa Region 3; Calamba sa Laguna, Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon sa Region 4; at, bahagi ng Metro Manila.

Ang BVMS ay isang mahalagang tourist tracking system na tumutulong sa pagpigil sa pagkalat ng COVID- 19 mula mismo sa mga hangganan ng lungsod, habang sinisiguro ang kita mula sa paggamit ng city amenities; traffic administration; at environment management.

Gayundin nagbibigay ng isang database para sa layunin ng contact-tracing kahit pa bago ang mga inaasahang bisita ay makapaglibot sa lungsod sa ilalim ng monitored conditions.

Sa kabilang banda, nagbibigay ang BVMS ng cashless transactions; scheduled travels and stops; ready and accredited transport services; at, kaluwagan sa biyahe, at iba pa, na nagbibigay sa mga turista ng pakiramdam na may kaligtasan ng kalusugan.

Nakaranas din ang lungsod ng Baguio ng isang pagtaas ng mga kaso noong Lunes na umakyat sa 17 aktibong kaso mula sa nag-iisang kaso noong nakaraang linggo, na bumaba pa sa iisang aktibong kaso sa nagdaang dalawang linggo.

AAD/PMCJr.-ABN

Amianan Balita Ngayon