Maayos na paglilipat ng pamumuno sa Baguio siniguro

LUNGSOD NG BAGUIO – Siniguro sa mga papasok na opisyal ng lungsod sa pangunguna ni bagong-halal na Mayor Benjamin Magalong ang isang maayos na transisyon sa kanilangpag-upo sa Hunyo 30.
Naglabas ng Administrative Order 049-2019 si outgoing Mayor Mauricio Domogan noong Abril 16 na lumilikha ng isang transition team bilang pagsunod sa memo circular ng Department of Interiror and Local Government na nag-uutos sa iba’t-ibang antas sa lokal na gobyerno para maghanda sa epektibong paglilipat ng responsobilidad.
“The team will make sure that everything is set in place for the implementation of the development programs which his administration prioritized this year,” ani Aileen Refuerzo, city information office chief.
Ang transition team ay binubuo ng kasalukuyang Mayor bilang chairman, City Administrator Carlos Canilao bilang vice chair, ang 15 city department heads, dalawang division chiefs, DILG-Baguio City Director Evelyn Trinidad at isang opisyal ng Baguio Association of Retired Persons na kakaatwan sa civil society o people’s organization bilang mga miyembro.
Sinabi ni Refuerzo na ang transition team at naatasang magsagawa ng imbentaryo sa lahat ng pag-aari, ipunin ang lahat ng dokumento at talaan, ayusin ang isang turn-over ceremony at ihanda ang prescribed data capture form for submission to the DILG.
Dagdag pa ni Refuerzo na ang turn-over ceremony kung saan kabilang ang isang briefing sa governance assessment report at key challenges sa mga papasok na opisyal ay ihahanda rin.
Si Domogan na nakumpleto ag tatlong termino bilang mayor at tumakbo sa pagka- kongresista sa nag-iisang distrito ng Baguio niton 2019 mid-term elections ay hindi pinalad na nakuha ang pagsang-ayon ng mga botante, ito ang una niyang pagkatalo sa eleksiyon.
 
PNA/PMCJr.-ABN

Amianan Balita Ngayon