Baguio wushu athletes magsasanay sa China para sa SEAG

LUNGSOD NG BAGUIO – Limang mga wushu player mula sa Cordillera ang sasailalim sa isang limang-buwan na pagsasanay sa China bilang bahagi ng paghahanda nila sa 30th Southeast Asian Games kung saan ang Pilipinas ang magiging punong-abala sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre ng taong ito.
“(May) 28 or 30 po ang sabi sa amin (We were told, we will leave on May 28 or 30),” ani Divine Wally, dating world wushu champion, sa isang panayam noong nakaraang miyerkoles.
Sinabi ni Wally na isang bronze medalist sa 2018 Asian Games at dating SEA Games gold medalist na magsasanay sila sa Wuhan University sa Hubei, isa sa pili at pinakamagaling na unibersidad at pinakaluma sa China.
“Sa Wuhan University po kami this time, kasi taga dun yung bagong Chinese coach namin (This time, we will train at Wuhan University because our Chinese coach came from there),” ani Wally, na lalahok sa Sanda category.
Sasamahan si Wally nina Daniel Parantac, Gideon Padua, Thornton Quiney Sayan at Jones Inso.
“It is a tentative date, but then we will surely be flying for China to train for the SEA Games late this year,” ani Parantac, isa ring dating SEAG gold medalist.
Habang nagsasanay sila sa China ay lalahoksila sa 15th World Wushu Championship mula Oktubre 19 hanggang 23 sa Hongkong.
“We have hectic schedules because from China, we have World champ then SEA Games,” dagdag ni Parantac, na lalahok sa “taiji”, isang traditional Chinese exercise.
Si Parantac na siyang team captain ay ikakatawan ang Philippine wushu tean sa “Taolu” category.
Sina Parantac, Sayan at Inso – kasama si Agatha Wong, ay nanalo ng gintong medalya sa first Traditional Wushu Championship sa Nanjing, China noong Disyembre ng nakaraang taon.
 
PML-PNA/PMCJr-ABN

Amianan Balita Ngayon