Krimen sa Baguio bumaba ng 27 porsiyento sa unang 4 na buwan

LUNGSOD NG BAGUIO – Iniulat ng Baguio City Police Office (BCPO) na ang mga insidente ng krimen sa lungsod ay patuloy na bumababa hindi lamang sa nakalipas na dalawang taon kundi sa unang apat na buwan ng taong ito.
Sinabi ni BCPO officer-incharge Police Col. Allen Rae F. Co na mula Enero hanggang Abril ng taong ito ay bumaba ang mga imsidente ng krimen ng 316 insidente o 27 porsiyento kumpara sa insidente ng krimen sa parehong panahon ng nakaraang taon kung saan may 1,150 krimen ang naitala ng iba’t-ibang mga police station sa lungsod.
Bukod dito ay iniulat niya na ang index crimes na crimes against property, robbery, theft, carnapping at crime against persons, homicide, murder, rape at physical injuries, ay kapansin-pansing bumaba ng 22 incidents o 16 porsiyento.
Tinukoy ng opisyal ng pulis na ang pamamahala ng sitwasyon ng krimen ay umpisa sa mas mapayapa at produktibong lungsod dahil bawat isang residente ay nagbibigay ng lubos na suporta sa kampanya ng mga law enforcers laban sa ilegal na droga at kriminalidad.
Noong 2017 ay iniulat ng BCPO na may 3.478 krimen ang naitala sa police blotter ng lahat ng police stations kumpara sa 3,313 krimeng naitala noong 2018, isang pagbaba ng 165 insidente o 5 porsiyento mula sa kabuuang crime volume.
Base sa ulat ng BCPO, ang dami ng recorded incidents ay vehicular accidents habang may 9 na homicide cases, 39 physical injuries at 1,757 damage to property due to reckless imprudence.
Ayon sa ulat, ang kapansin-pansin sa nasabing pagbaba ay ang pagtutok sa pagpapababa ng index crimes mula 703 noong 2017 sa 409 lamang noong nakaraang taon, isang pagbaba ng 294 insidente (42 porsiyento) o halos kalahati ng nakaraang naitalang mga kaso.
Inihayag ng mga awtoridad na ang dalawang most prevalent crimes sa lungsod, ang physical injuries at theft ay kapuna-punang bumaba ng 46 porsiyento at 5 porsiyento.
Ayon sa kanila, kung ang mga tao sa kumunidad ay may tiwala sa kanilang kapulisan, kung may mataas silang kumpiyansa sa kanila at nakikipagtulungan ng lubos sa kanila, ay gaganap ang mga pulis, magiging mas mabuti ang tingin sa kanilang sarili, kaya magtratrabaho sila ng mas mabuti at mas malaki ang resulta ng kanilang trabaho.
Nagpahayag ng pasasalamat si Co sa lokal na gobyerno sa pamumuno ni Mayor Mauricio Domogan, mga stakeholder, iba’t-ibang volunteer group, at ang komunidad sa kanilang lubos at
walang-tigil na supora sa BCPO sa mga nakalipas na mga taon, patunay ang kamakailang katatapos na Mayo 13 mid-term elections kung saan ang Baguio ay nagawaran bilang isa sa pinakamapayapa at maayos na lungsod sa pagsasagawa ng halalan sa buong bansa.
Nagpasalamat din siya sa lahat ng mga kandidato at lokal na lider na rumespeto sa aktibidad na inaasahan sa isang nagseserbisyo sa publiko at nangako sa kanilang sarili ng isang malinis na kampanya, patas, karaniwang kagandahang-asal, katapatan, at mabuting pananampalataya na nakaambag sa pagsasagawa ng mapayapa at maayos na halalan sa lungsod sa gitna ng mga isyu na lumabas gaya ng diumano’y vote-buying bago at sa kasagsagan ng eleksiyon at black propaganda laban sa ilang kandidato para sa iba’t-ibang posisyon.
 
PMCJr./ABN

Amianan Balita Ngayon